Written by elmergomopas
At sila’y magtatagpo,
subalit sila kaya’y itatadhana?
Isang sigaw ang nagpabalik sa diwa ng tinyente.
“BALANGAAAYYYY, HUMAANN DAA”.
“Sir Master Sergeant Chris Diaz, Alpha Company First Sergeant, reporting Sir”, pagbati sa kanya ng namumunong sarhento.
Sa likod ni Master Diaz ay ang humigit kumulang singkwentang sundalo.
“Men, at ease”, ang una niyang utos, pagkatapos ibalik ang saludo sa sarhento.
“Maupo kayo”, sunod na utos ng pinuno.
“Mga kasama, ako ang pinadala ng Division at Brigade sa ating Battalion, Lt Edwin Santos”.
“Ako ang inyong bagong Company Commander”.
“Welcome to Alpha Company, the best Company Sir”, sabayang bigkas ng buong tropa na ikinangiti ng tinyente.
“Siguraduhin ninyo”, masaya niya sambit sa tropa.
“Bukas ko ilalatag ang Company Policies”, “Lahat maliban Ke First, Intel, Signal, Finance, Supply, at mga Platoon Sergeants, you are dismissed”…
Nagsitayuan ang tropa at nagsipasok sa kanya kanyang kubo.
“Sir?”, si First.
“Dun tayo sa PX, nagkatay kami ng kambing. Sir dun na lang tayo, kung ok lang po Sir”, atubiling paanyaya ng sarhento.
Napaisip siya saglit, “Putang ina, mukhang inuman to”….
“First control lang,?”, si Edwin.
“Copy Sir”, ngumingiting sagot naman ni Diaz.
“Paki padala na lang muna pala mga gamit ko sa kubo ko, teka san nga pala ang bunkers ko?”, tanong ng tinyente.
“Ok na po Sir, naipasok na po ng mga privates, ang wika ng Supply Sergeant, si Sgt Villanueva.
“Ung bunkers malapit sa PX ang sa inyo Sir, kapitbahay ninyo Si Sergeant Guzman, ang Intel Sergeant, saka si Sgt Rimo at Sgt Reyes Sir, mga Platoon Sergeants, dadag pa ng sarhento.
“Snappy”. “Magkakakilala na tayo, ano pang hinihintay natin? Tirahin na natin yung kambing, baka tirahin pa ng Marines, biro ng pinuno,.
“Tara Sir”, halos panabay namang yakag ng mga sarhento.
“First mag tsinelas lang ako saglit antayin niyo na ako”.
Pagkatapos makapaghubad ng boots, pumanaog na ang grupo sa tindahan ng kumpanya, PX kung tawagin.
Nadatnan nila si Sgt Wasan, ang in charge at ang Finance Sergeant, at isa pang tropa.
“Oh may “K Pop” pala dito” pag bibiro ng pinuno sa tropang katabi ni Wasan.
“Good evening, Sir. PFC Brian Ireneo Sir, sa Signal Sir”, pagpapakilala ng sundalo.
“Sir, naka leave pala ang Signal NCO, si Brian muna ang in charge Sir, dagdag na paliwanag ni Diaz.
Hindi maiwasang mapansin at suriin ng tinyente ang pisikal na hitsura ng nabanggit na tropa.
Natatawa man siya at atubiling aminin sa sarili, pero talagang guwapo ang sundalo, pogi.
Agad na nakaisip ng kalokohan ang tinyente,
“Parekoy, kung ako sa iyo hindi ako nag sundalo, dapat nasa bahay ka ni kuya , Chicks natin ha?”, banat niya, at nagtawanan ang lahat.
“Sir ano ang iniinom ninyo, beer ba kayo Sir o hard”, pagka klaro ng Finance Sergeant.
“Putangina Wasan, parang pinaghandaan niyo ah, beer lang ako pagod ako sa biyahe, wala ako sa kondisyon baka tulugan ko kayo pag mag hard ako, may pulang kabayo ba kayo dito?”, usisa ng tinyente. “Meron Sir hehehe”, halos magkapanabay namang tugon ng mga sarhento.
“Bawal ang maoy ha, iiistaka ko kayo”, pabirong babala ng tinyente sa grupo.
“Naku wala ng mga maoy dito Sir, ubos na, ibinalik na lahat sa battalion hahahaha”, ganting biro ng First Sergeant.
Tatlong kahon ng redhorse litro, at tatlong bote ng fundador ang inihanda nila para sa bagong pinuno.
Papaitan, kaldereta, at kilawin naman ang mga pulutang nasa hapag..
“Kanin Sir?”, tanong ni Villanueva.
Senyas lamang ang tugon ng opisyal. “Maya na lang Vill” dugtong nito.
Bukod ang baso at bote ng tinyente, nang makontrol niya ang kanyang tagay, alam niyang hindi siya pwedeng makipagsabayan sa mga kainuman.
Dahan dahan ang naging tagay ni Edwin. Nasa pangalawang bote pa lamang siya, ang tropa nama’y nagangalahati na sa pangalawang fundador. Mapapansing lumalakas na ang boses ng mga kainuman, nagsimula na ring mamula ang mga ito, at may kanya kanya ng kausap.
“Ok ka lang Sir? Masarap yang papaitan Sir mga kababayan mong Ilocano tumira niyan”, tanong at usal sa kanya ni Master Diaz.
“Ok lang First, ikaw ba ok ka pa”, balik tanong niya dito.
“Ok lang ako Sir, Sir akala ko kanina napaka istrikto mo, Cowboy ka din pala. Sabagay basta Ilocano nga naman Cowboy”, dagdagpa nito.
“Strikto ako First, sa trabaho, pag panahon ng trabaho walang lugar sa akin ang kalokohan, lalo na kapalpakalan, me panahon ang bawat bagay, ngayon panahon ng pulang kabayo, kaya tagay lang muna”, litanya at biro ng tinyente.
“Hehehe okey okey Sir”, iiling iling naman na balik ng sarhento.
“Sir maiba ako, binata ba kayo” muling usisa ng First Sergeant.
“Hindi First, dalaga ako, dalagang dalaga”, balik niyang hirit.
Nagsihagalpakan ang tropa, pati ang mga sarhentong seryosong nag uusap ay nagtawanan sa korning biro ng opisyal…
“Hahahaha”, pisl pisil naman ang tiyan na bungisngis ni Diaz..
“Bente singko pa lng ako First, saka na yan”, pag ka maya maya’y seryosong turan ng opisyal.
“Mga Trenta ba Sir?”, tila ba pangungulit ng First Sergeant.
“Siyempre saka na pag me papakasalan na ako, paano kung pag abot ko ng trenta eh wala akong nobya, sige pakasal tayo, gusto mo?”, muli ay komedya ng pinuno.
At ang lahat ay muling nagsigalpakan, muntik pang malaglag sa kinauupuan si Reyes sa banat ng bagong CO.
“Teka Bry, anjan pa pinsan mo hindi ba, ang biglang tanong ni Villanueva ke PFC Irenio.
Dito ay parang may naisip si Diaz, “Oo Sir tama, Si Claire Sir. Hazel Claire. Sir naku walang binatbat si Soberano sa batang iyon Sir.”
“Claire?”, kunot ang noong tanong niya sa First Sergeant.
“Pinsan ni Brian Sir, naimbitahan naming muse ng Alpha sa sportsfest ng battalion Sir.
“Andito iyon sa CP Sir. Bukas pa yata iyon ihahatid ni Brian”, pagpapatuloy ng Sarhento.
“Bry pakilala mo ke Sir ha, wala naman yatang nobyo iyon hindi ba?
Si Irenio nama’y nagingiti lamang at ta tango tango. Halatang may amats na rin ang sundalo.
“Sige Sir nang mabawasan ang katarayan ng batang iyon”, sabat bigla ni Sgt Rimo.
“Humanda ka lang Sir kasi machine gun ang bunganga nun hahahaha, siguraduhin mong may tataguan ka, at kung irapan ka nun naku tagos sa buto. Napakataray nun sir hehehe”, dagdag nito.
Nagiti si Edwin sa banat ni Rimo.
“Liza Soberano. Talaha lang ha”, umiiling na bulong niya.
Nagsindi siya ng sigarilyo.
Sa pagkakataong iyon ay Inangat ni Master Diaz ang baso,
“Toast para sa bago nating CO mga kasama”, panimula nito
“KAMPAAAAY” , masigla at panabay na tugon ng mga sundalo.
Umusad ang paksa ng usapan. Napakasaya nila. Alam ng mga sarhento na mabait ang bago nilang opisyal. Mababanag nga naman talaga sa aura nito ang pagiging istrikto subalit ika nga nito, pag panahon ng trabaho, trabaho lang, pag panahon naman ng pulang kabayo, tagay lamang.
Nasa pangatlong litro na siya, nang mapansin niyang isinarado na ang fundador. Hindi na nila inubos.
“Sir, paumanhin po, washing na kami Sir, sarado na namin itong hard, pag papaalam ni Sgt Guzman
” Ok sige para maubos na itong beer at nang makapagpahinga na tayo, tugon naman ng tinyente.
“Amin na lang yan i finishing na lang namin nina Rayot, maya ay sabat naman ni Rimo.
“Reyes, Rimo, dahan dahan ha, ok pa kayo?”, tanong niya sa dalawa.
Ok pa Sir sabay namang tugon ng dalawang sarhento.
Sir, chicks Sir gusto mo? Me makukuha tayo sa baba hahaha, biglang banat ni Ireneo.
“Meron ba Bry, sige nga, birong hamon ng tinyente, pero sa isip niya’y “Lasing na tong loko”.
“Puta Bry ayan ka na naman ha, baka bukas may magreklamo na naman wag kang kukuha ng menor de edad ungas ka ha”, mistulang tatay na habilin ng First Sergeant.
Hindi na masyadong pinansin ng tinyente si Brian.
Inisip na lang na baka ito ay nagpapasikat lamang.
Umepekto na rin ang alak ke Edwin.
“Parang ambilis kong tinamaan ah, wika nito sa sarili.
“Puta hindi pa nga pala ako kumakain, kaya pala parang tamado na ako, sa sarili’y usal niya.
May napansing samyo ang tinyente.. Halimuyak na dala dala ng hangin.
Isa na namang pagkakataon sa kanya para banatan ang tropa.
“Putangina First .. hahahaha, amoy shampoo, ambango ah, Palmolive ba issue ng tropa First? haha,
Medyo nagulat siya nang ilapag ng isang babae ang tray na may dalawang mangkok ng umuusok pa na sabaw.
Natatabingan ng kanyang buhok ang mukha ng babae habang hinahain ang mga mangkok kayat hindi ito makita ni Edwin.
“Sino ito, dependent siguro”, sa loob loob ay usal na lamang ng tinyente.
Naghahalo ang ngiti at ngisi ay tila nabasa ni Diaz ang pagkunot ng noo ng opisyal.
“Sir si Claire”,
“Claire si Lieutenant Santos , ang bagong boss hehehe, pakilala ni Diaz sa dalaga at sa pinuno.
Sa kanyang dako ay lumingon ang dalaga, at nasulyapan niya sa unang pagkakataon ang mukha nito.
Mukhang walang bakas nang kahit anong emosyon, blangko kumbaga, at kaliwang kilay na bahagyang nakataas.
“Patay”… natatawang bulong ni Diaz sa sarili.
Napansin kaagad ni Edwin ang angkin nitongkagandahan.
Hindi lang simpleng ganda.
Maputi ito.
May kulay o “highlighted” ang hanggang balikat na buhok.
Mukhang taga siyudad.
Halatang anak mayaman.
Tamang tama ang tangkad at kapansin pansin ang tila ba perpektong hubog ng balingkinitan nitong katawan.
“Puta totoo nga ang ganda niya pala talaga”, tahimik na usal ng tinyente sa sarili.
Kahit nakapantalon ang dalaga ay hapit ito kayat litaw ang kurba ng balakang at puwitan.
Levis 712 faded blue slim jeans, at white baby tee na pang taas.
Mistula nang naengkanto ang tinyente sa kinauupuan, at tuluyan nang sinuri ang kagandahan ng dalaga.
Napadako ang kanyang sa paanan ng dalaga, sa sapin nito sa paa,
pink na havaiianas, litaw na litaw ang kalinisan ng mga daliri nito. Mga daliring napakakinis at napakalinis tingnan, walang bahid ng kahit kunting dumi man lang.
“Putangina” , siya’y tahimik na lamang na napamura…
Sa pag aakalang siya ay namamalikmata lamang, muli niya ibinalik ang paningin sa mukha ni Claire.
At sa wakas, nagkatagpo ang kanilang mga mata.
Hindi siya namamalikmata.
“Ah hhha hhhha hhhi, hi Claire”, utal utal niyang bati sa dalaga.
Ang dalaga naman ay hungkag na nakatingin lamang sa kanya.
Ang sumunod ay katahimikan.
Ang madidinig lamang ay ang ang mahina at pigil na hagikgik ni Villanueva at ng iba pang sarhento sa kabilang bahaging iyon ng mesa.
Makalipas ang ilang saglit ay nadinig din niya ang napakalambing pala nitong boses.
“L’Oreal”, sambit ng magandang si Claire, nang hindi inaalis ang titig nito sa kanya.
“FYI, L’Oreal ang shampoo ko, hind Palmolive”, ang cheap mo, mataray nitong dagdag,na ikinahagalpak na ng tawa nang tuluyan ni Sgt Rimo.
Subalit, imbes na mapahiya ay may kung anong silakbo sa dibdib na nadama ang batang opisyal para sa kakakakilala lang na dalaga.
Ngunit sa loob niya’y hindi niya ito mawari.
May kung anong ngiti sa kanyang mga labi at saya na hindi niya matanto ang kadahilanan.
Sa magandang mukha ng nagtataray na si Claire, ay muli na lamang siyang sumulyap.
“Ehem, ehem, Claire nakabihis ka ah saan lakad, bababa ka ba, si Reyes, at pag iiba nito sa paksa.
“At saan naman ako pupunta aber? May SM na ba dito? Nagpantalon lang ako nakabihis na? Alangan namang pupunta ako dito na nakashorts, ang tuloy tuloy at wala prenong talak pa rin ng magandang dalaga.
“Eh bat kahapon sa battalion ang ikli ng shorts mo mas marami pa nga tropa at tao dun, singit na asar naman ni Wasan”.
“TSEEE”, malutong at pinal nitong pagtataray sa grupo bago ito tumalikod at umalis nang walang paalam.
Muling katahimikan.
Katahimikan na agarang sinundan ng tawa at hagalpakan, bungisngis at kagikhikan, habang siya sa kanyang upuan ay patuloy na walang kibo.
Kung mababasa lamang ng tropa kung ano ang kasalukuyang dumadaloy sa kanyang isip..
“Ang ganda niya”
Sa sarili’y tahimik at pauli ulit niyang usal… “Claire…”
- Ang Pinuno Diecinueve - May 10, 2023
- Ang Pinuno Dieciocho - May 4, 2023
- The Walking Dead - April 27, 2023