Papa

chiena
Papa
Cover by chiena

Written by chiena

 

This story will be different sa mga nakaraang kwento ko.

Hinihiling ko ang pagbukas ng inyong mga puso at isipan at sa mas malawak na pang-unawa.


Mula ng maging 18 years old ako ay napapansin ko ang mga pasimpleng tingin sa akin ni Papa.

Lalo na dahil laging kami lang naman dalawa sa bahay, nasa ibang lugar kasi si Mama.

Nakasanayan kong hindi maglock ng pinto at hindi ko alam kung panaginip o totoo na nararamdaman ko ang pagpasok niya sa kwarto ko kapag natutulog ako – minsan sa hatinggabi at karaniwan ay sa madaling araw.

Hindi naman sa natatakot ako sa kanya, feeling ko nga ay safe ako kapag alam kong nasa tabi ko siya, para siyang “Knight in Shining Armour” ko.

Mas panatag ang loob ko dahil mula bata ako ay malambing sa akin at maaasahan talaga si Papa.

Never niya akong ginutom, tinutulungan din niya ako sa mga problema ko at ibinibigay naman niya ang mga kahilingan ko – maging pangangailangan man ito o luho lang.

Pero noong naging teenager ako, gaya ng iba ay naging rebelde ako; naging palatambay ako sa labas, gala dito gala doon kasama ng mga tropa ko, minsan ay madaling araw na kami umuuwi, kadalasan ay nakainom o lasing.

Sandaling natuto din ako magsigarilyo, lahat naman ata ay pinagdadaanan iyon?

Pero hindi niya ako pinapagalitan, kapag umaga ay nakahanda na ang almusal ko kahit pa may hangover ako, o lunch man kapag tanghali nagising, tsaka lang niya ako pagsasabihan ng malumanay.

Nakailang boyfriend din ako pero inililihim ko ito sa kanya, pero alam kong alam niya hindi lamang siya nagsasalita o nagagalit.

twitter.com/chienaslaver

Nang bumalik ako sa pagiging matino ay nandyan pa rin si Papa na iginaguide ako.

Kaya bumalik na uli ang closeness namin.

Gwapo ang Papa ko – matangos ang ilong, napakaamo ng mga mata, kissable lips, long hair at may balbas – para talaga siyang rakista sa unang tingin, may abs din siya!

Oh My God!

Isa siyang professional handyman o karpintero kaya naman magaspang ang mga kamay niya kapag inihahaplos sa ulo ko o kaya ay balikat, pero ok lang naman sa akin iyon, mas nakakabilib nga e, minsay ay naghoholding hands din kami kahit nasa mall at medyo kinikilig ako.

Ilan sa mga classmates ko ang nagsasabing hot ang Papa ko – para kasi siyang rockstar na may mild manner.

Proud at kinikilig ako kapag kasama ko ang Papa ko saan man kami mamasyal.

Alam kong ipinagmamalaki din niya ako.

Pero may hangganan pala ang lahat..

Isang araw ay biglang nagkasugat si Papa sa magkabilang kamay niya, nang ipatingin namin sa doktor ay isa pala itong rare disease na kapag lumabas na ang signus ay malapit na siyang mamatay.

Sobrang lungkot ko ng malaman ko iyon, doon ko narealize na maiksi lang pala ang buhay – bakit hindi ko agad pinakita at pinaramdam ang pagmamahal ko sa Papa ko?

Mabilis lang halos lahat ang pangyayari, naalala ko pa ng nasa death bed na niya siya, doon ko lang inamin na mahal na mahal ko siya, higit bilang ama – higit pa sa buhay ko!

Kahit nanghihina si Papa ay hinalikan niya ako sa noo..

“Anak, wag mo sana akong kalimutan.. mahal na mahal din kita anak ko..”

After niyang mamatay ay hindi na ako lumabas ng bahay, nagmukmok na lang ako sa aking silid.

Ikatlong araw ng wala si Papa nang may nadinig akong munting kaluskos galing sa kwarto niya.

Takot man ay nagtungo ako roon at pinihit ko ang door knob.

Pagbukas ko pinto ay bumungad sa akin ang pamilyar na amoy ni Papa.

Sa dilim ay naananigan ko siya na nakaupo sa may kama.

“Pa..?”

Tumayo ito at agad akong niyakap ng napakahigpit.

Ramdam ko pa ang init ng kanyang katawan.

“Anak nandito lamang ako para magpaalam sa iyo..” wika niya.

“I love you, anak..” habang yakap ako.

Wala sa loob ko na biglang napaluhod sa harap niya habang patuloy ang pagtulo ng luha sa aking magkabilang mga mata.

“I love you po, Papa Jesus.” sagot ko.

Hanggang sa nagising na ako kanina.


chiena
Latest posts by chiena (see all)
Subscribe
Notify of
guest
1 Comment
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories