Utang Na Loob (70)

aero.cock78
Utang Na Loob 1

By aero.cock78

 

Continuation…

Habang pabalik ako sa aking sasakyan galing sa aming tindahan ay hinabol ako ni Joseph..

“sir pao.. May nakalimutan po ako mabuti po naalala ko.. May nag deliver dito kahapon sayo po.. Pinareceived lang po sa akin..

” ahh ganun ba.. Ang turan ko at bumalik ako sa tindahan at kinuha ang i deniliver na order ko..

“ahh ok thanks.. Mabuti dumating na ito..” ang nakangiti kung turan sa pag tanggap ko ng box..

Ito nga pala ang inorder ko sa online na engagement ring namin ni donita…

Natagalan pa ako ng konti dahil may mga natanggap pa akung tawag sa mga client pa namin kaya inayus ko muna ito..

Nakita kung tumunug ang aking cel.. Tiningnan ko ito at si mika ang tumatawag..

“hello .. Sa baba na lang ako mag hintay ginugutom ako.. Dyan nalang kita hintayin sa restaurant sa tabi ng hotel..”.. Ang turan nya sa kabilang linya..

“ok” .. Ang matipid kung turan… Ngunit nag taka ako dahil walang nang endearment syang sinabi sa akin.. Ngunit di ko nalang ito binigyan ng pansin.. Matapos kung maayos lahat sa aking mga cliente ay dumiritso na ako sa aking sasakyan…

Pagkapasok ko sa loob ay agad kung binuksan ang natanggap kung delivery galing sa online order ko.. Nakita ko ang red box at binuksan ko ito.. Isang engagement ring na may diamond sa gitna…

“dito na ang engagement ring natin teng”.. Ang nakangiti kung bulong sa aking sarili…

Bigla nalang akung nagulat na may nag bosina sa aking likuran at nakita ko ang isang kotse na lalabas kaya imbis na ibalik sa box ang singsing ay ipinasok ko nalang sa bulsa ko at sabay ko abante ng sasakyan para maka alis na ako at makalabas ang sa likuran na kotse..

Nag drive na ako papunta sa restaurant na sinabi ni mika kung saan kami mag kikita..

Ilang sandali pa ay ipinarada ko na ang aking sasakyan sa tapat ng restaurant.. Na katabi ng hotel.. nakita ko kaagad si mika na nakaupo doon at may pag kain na syang inorder na para sa aming dalawa…

Pinagmasdan ko sya sa kanyang kinauupuan.. Naka tingin lang sya sa pagkain.. Parang may malalim na iniisip..

Bumaba na ako ng sasakyan at dumiritso na ako sa loob ng restaurant.. At naupo sa harapan ni mika…

“mabuti at dumating kana.. Kain na tayo.. Kakalagay lang din yan ng waiter..”.. Ang turan ni mika habang nakatingin sa akin at pagkatapos ay tahimik na kumain.. mababakas sa kanya ang lungkot sa kanyang mga mata… Nanibago ako sa kanya.. Nanibago ako sa kanyang mukha.. Parang alam na nya ang mangyayari…

“di ko pa nga nasasabi sa kanya ay malungkot na kaagad sya?”.. Ang bulong ko sa aking sarili..

Naka tingin lang ako sa kanya.. Tinitingnan ko lang sya habang kumakain.. Parang napakalungkot ng paligid ng mga oras na yun.. Humugot ako ng malalim na hininga at sabay nag salita..

“mika.. I think its better to both of us if we end our relationship as fubu… Ang turan ko na naka tingin sa kanyang mga mata…

Natigilan si mika sa kanyang pag kain at tumitig din sa mga mata ko..

Tahimik lang syang nakatingin sa akin.. Mababakas sa mukha nya ang kalungkutan..

“as what i expected from you pao.. Alam kung darating ang mga bagay na ito” … ang turan nya..

“yes.. Mika.. I set you free na sa rules natin.. Humanap ka na ng lalaki na makakasama mo sa habang buhay..”.. Ang turan ko sa kanya…

“its her yesterday?.. I see.. So you already found the love of your life”.. Ang tanung nya sa akin na nakatitig sa aking mga mata..

Isang tangu lang ang aking sagot sa kanya habang nakatitig padin ako sa kanyang mga mga mata…

Kinuha nya ang table napkin at ipinahid nya sa kanyang labi..

” ok.. If that’s what you want.. Its fine for me..tulad ng sinabi ko alam kung darating ang mga bagay na ito.. Bumalik na pala talaga sya?.. So your two are ok now..”.. Ang turan ni mika na mababakas sa kanyang boses ang labis na kalungkutan..

Nakadama din ako ng lungkot sa kanyang mukha.. Nalungkot ako sa aming pinagsamahan.. Sya ang nakasama ko habang wala si donita sa aking tabi…

” oo, bumalik sya and I planned to marry her..”.. Ang turan ko kay mika…

“ok.. Congrats.. To both of you..”..ang turan nya na dahan dahang namumula ang kanyang mga mata..

“are you ok mika?..”..ang tanung ko sa kanya..

“of course I’m ok.. I remember that no falling in love diba?.. So why would I disagree?, wala naman tayung relasyong dalawa..and besides we’re just only a fubu.. Nothing more…”.. Ang turan nya na tumulo na ang kanyang luha sa mga mata…

Nakatingin lang ako sa kanya… Masakit man para sa akin ngunit kailangan ko itong tapusin para sa ikakaayus ng aming pamilya ni donita…

” I’m sorry,.. “ang malungkot kung turan kay mika…

” for what? “.. Don’t say sorry pao.. Ako nga ang dapat na magpasalamat sayo…”.. Hinango mo ako sa pagkakalugmuk sa kahirapan, tinulungan mo ako at di ka humingi ng kapalit.. Utang na loob ko sayo ang lahat..”swerte sya sa iyo” ..ang turan nya habang pinapahid nya ng kamay ang luha sa kanyang mga mata…

“no wala kang dapat ipag pasalamatan, taus puso kung tulong sayo yun..” ang turan ko sa kanya…

Nakatingin si mika sa aking mga mata.. Para akung matutunaw sa kanyang mga tingin.. Dama kung tumatagos ito sa aking puso..

“i wish to both of you a happy life pao..”.. Salamat sa lahat ng ating pinagsamahan.. “ang turan nya at sabay nya tayo at alis.. Pero kita ko ang pag tulo ulit ng luha sa kanyang mga mata..

” salamat mika”.. Ang malungkot kung bulong sa aking sarili…

Sinundan ko ng tingin si mika habang papalayo sa akin… Malaya na ako kay mika ngunit nakaramdam ako ng lungkot sa kabila ng aming pinagsamahan.. Di ko maikakaila na nahulog na din ang loob ko sa kanya sa matagal na panahon na kami ay nag kasama… Ngunit ang lahat ng bagay ay may katapusan.. Isa si mika sa mga libro na aking isasarado at di na bubuksan pa…

Napabuntung hininga na lang ako at sabay na tumayo at pumunta ng sasakyan…

Pagkapasok ko ng sasakyan ay di ako makagalaw.. Nasa isip ko parin ang mukha ni mika.. Alam kung nasaktan sya.. Ngunit wala akung magagawa… Naka desisyun na ako…

Pinaandar ko na ang makina ng aking sasakyan at sabay na umuwi..

Pagkadating ko sa bahay ay ako na ang nag bukas ng gate namin.. Ipinasok ko ang sasakyan ko katabi ng sasakyan ni donita..

Naramdaman ko ang init ng sasakyan ni donita parang itoy kakapatay lang ng makina..

Medyo nag taka ako ngunit itoy di ko na lang pinansin..

Agad akung pumasok at tamang tama na nag hahanda sa lamisa sina manang at donita..

Si nanay at yengyeng ay nasa sala at nag dadiamond stitch…

“pao.. Halika na at kakain na tayo.. Ang turan ni donita sa akin..

” ok teng”… Ang turan ko habang akoy papunta sa kanya at sabay halik ko sa kanyang pisngi..

“mabuti bumalik ka na pao”.. Sakto ang dating mo manananghalian na tayo.. “.. Ang turan ni donita sa akin..

” diba sabi ko babalik din ako kaagad”.. Ang turan ko..

“magkasunod lang kayo ni teng.. Kararating lang din nya..” ang turan ni nanay…

Tumingin ako kay donita at napatingin din sya sa akin…

“saan ka galing teng?”.. Ang tanung ko sa kanya..

“sa bahay may kinuha lang ako..”.. Ang turan ni donita sa akin… Sabay nya balik sa kusina..

Tumingin lang ako sa kanya na nag iisip kung anung kinuha nya doon sa bahay…

Pumasok na muna ako sa kwarto para maka pag palit ng damit…

Habang nag hahanap ako ng damit na pamalit ay nakarinig ako ng tunog ng cellphone…

Inikot ko ang paningin ko sa diriksyun kung saan nanggagaling ang tunog ng cellphone at aking nakita na itoy galing sa cellphone ni donita na nakalapag sa maliit na lamisa na katabi ng bed..

Lumapit ako sa cell at nakita ko ang pamilyar na numero.. Nagulat ako sa numero dahil ang numero na yun ay kay mika…

Kinabahan ako sa aking nakita.. Nabigla ako at nagulantang bakit alam ni mika ang cell number ni donita…

Nakatitig lang ako sa cellphone ni donita.. Di ako makagalaw.. Para akung natulala..

Dahan dahan kung kinuha ang cell.. Nakatitig parin ako.. Naguguluhan ako kung sasagutin ko ba o hindi ang tawag na yun..

“bahala na..” ang turan ko.. At sabay ko sagot ng tumatawag sa cell ni donita..

Pag ka pindot ko ng answer button ay aking inilagay sa aking tinga ang cell…

“patawad sa lahat.. sana ay mahalin mo si paolo..wag mo na syang iiwan pa… Wala syang kasalanan… Ibinigay ko sa kanya ng kusa ang aking sarili.. Napa ka swerte mo sa isang tulad nya.. Hangad ko ang inyung kaligayahang dalawa…” ang salaysay sa kabilang linya at sabay baba ng cell..

Natulala ako sa garalgal na boses ni mika, umiiyak ito habang nag sasalita.. Nagulat ako kung bakit tinawagan ni mika si donita.. Di ko lubos maisip.. naguguluhan ako.. Magkahalung takot at kaba ang aking nadarama..

Napagtanto ko na nalaman ni donita ang tungkol sa amin ni mika.. Di ko maisip kung papaano nya nalaman ang cell number ni mika…

Bumalik sa aking alaala ang message ni mika sa cell ko na di ko nakita.. Ang kakaibang ikinikilos ni mika kanina nung magkita kami.. Ang malungkot nyang mukha.. Pinagtagpi tagpi ko ang pangyayari..

“ibig sabihin kagabi palang alam na ni donita ang pag punta ko kay mika?”nabasa nya ang message ni mika kagabi palang” … Kakarating lang din ni donita pag dating ko? “.. Ibig sabihin sinundan ako ni donita ..”.. Ang bulong ko sa sarili ko..

Nakaramdam ako ng hiya sa aking sarili dahil sa nalaman ni donita ang tungkol kay mika.. Ngunit di ko malaman kung bakit di sya nagalit sa akin at di nya ako sinugud sa mga oras na yun.. Bakit nag masid lang sya sa amin ni mika…

Madami akung katanungan sa aking isipan ngunit ang lahat nang yun ay aking iwinaglit pasamantala… Kilangan ni donita ng explinasyun sa akin sa aking kabulastugang ginawa.. Alam kung nag hihintay sya nang sagot galing sa akin…kahit alam na nya at di nya pinapakita sa akin ang kanyang galit ay alam ko na kilangan nya pa din ng kasagutan galing sa akin…

Pagkalabas ko ng pintuan ay nakaupo na silang lahat sa hapag kainan.. Dumulog ako at sumabay sa kanila… Umupo ako katabi ni donita..

Tahimik lang sya at nilagyan ang aking pinggan ng pagkain.. Kakaiba ang kinikilos ni donita.. Tahimik lang din ako na naka tingin sa kanya..

Matapos nyang lagyan ang aking pinggan ng pagkain ay nakangiti syang nakatingin sa akin…

“ohh.. Pao kain na”.. Bakit nakatingin ka lang dyan sa akin?”..ang turan nya habang nakangiti…

” wala teng”..salamat ang turan ko..

Pinapakiramdaman ko sya.. Ngunit di mababakas sa mukha nya ang galit.. Di ko maintindihan ang kanyang kinikilos.. Umaasa ako na magagalit sya sa akin ngunit kakaiba ang aking nakikita sa kanya.. Isang napakabait, nakangiti at maalalahaning donita ang aking katabi sa mga oras na yun…

Itutuloy…

aero.cock78
Latest posts by aero.cock78 (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories