Utang Na Loob (17)

aero.cock78
Utang Na Loob 1
Utang Na Loob (9)
Credits: aero.cock78

 


Author: aero.cock78


 

Continuation…

Dahil sa ako lang ang nag iisang apo sa bahay nina lolo at lola ay ako ang katulong nila sa pag hahanap buhay,..

Ang lolo ko ay mangingisda, at nag sasaka ng isang maliit na sakahan ng palay at ang lola ko naman ay nasabahay lang at minsan tumutulong sa pag sasaka ng palayan…

Ako ang inaasahan ng lolo ko at lola sa aming bahay dahil wala namang gagawa at tutulong sa kanila dahil ako lang naman ang mag isang apo nila na umuuwi sa kanila at dahil nakakahiya naman na nakikitira na lang nga ako sa kanila ay di pa ako tutulong..

Dahil sa angking kasipagan ko ay tuwing sabado at linggo ay kasama ako ng lolo ko sa pang huhuli ng isda, maaga pa kaming gigising ng lolo ko para pumunta ng dagat at hapon na kami uuwi.. Sunog sa araw ako sa mga panahon na yun dahil sa dagat ang pinag tutuuan ko ng panahon tuwing wala kaming pasok..

At tuwing sabado naman ay sa sakahan naman kami ng lolo ko kasama ang lola ko at naka lubog naman kami sa putikan sa buong mag hapon sa kakabunut ng mga damo na tumutubo sa palayan..

Makaka pag pahinga na lang ako nyan pag lunes sa paaralan..unang bukas ng klasi at nasa first year high school ako noon..

“pao.. Pao”…naalimpungatan ako at nagising sa mga kalabit sa aking braso ni lola..

“la”? Ang pupungas pungas kong tanong habang ni rurub ko ang mata ko ng likuran ng kamay ko dahil sa biglang pag kagising ko..

“gising na pao”.. “unang araw ng klasi ngayun..” mag ayus kana at baka ma late ka.. Malayo pa ang lalakarin mo papuntang paaralan.. ” ang sabi sa akin ng lola habang nilalabas nya ang susuotin kung uniform sa aparador na pinalantsa ko kagabi palang ng plantsa na di uling..

“opo la”.. Ang medyo tinatamad ko pang sagot sa kanya dahil gusto ko pang matulog dahil sa pagod sa pag tatrabaho namin kahapon sa sakahan at mag didilim na kami umuwi at nag asikaso pa ako ng mga gamit ko para sa school kinabukasan, ala una na ng madaling araw ako nakatulog dahil sa pag aayus..

Pagkatapos ko bumangon ay dritso na ako sa cr para maligo.. At pagkatapos ay sumabay na ako kina lolo at lola sa hapag kainan..

“bilisan mong kumain pao” ang layo pa ng lalakarin mo papuntang school nyu..” ang turan ng lola sakin habang nilalagyan nya ng daing at itlog ang pinggan ko para sa agahan namin..

Pagkatapos kumain ay nag paalam na ako kina lolo at lola..

” pao ingat ka sa pag lalakad ha.. At mag aral ka ng mabuti, unang araw ng klasi, hindi puro bulakbol at pang babae ang atupagin mo sa school..” ang paalala sakin ng lola habang inaayus nya ang suot kung white polo shirt at brown slacks na pants..

“si lola naman ang pangit ko nga kasi sunog ako sa araw at kita mo yung katawan ko,ang payat ko nga para akung di nakakain, sino ba namang mag kakagusto sa akin na ganito ang itsura ko lola.. Ang naka simangot kung turan habang naka harap ako kay lola at parang sya ang pinakasalamin ko..

“wag mo nga masabi na pangit ka apo ko..” walang pangit na lahi sa atin.. Maiitim ka nga at payat matangus naman ang ilong mo, “.. Walang babae na di mag kakagusto sa iyo.. Basta mag aral kang mabuti at puputi ka din..” para sa akin gwapo ka dahil apo kita..” ang turan ni lola sa akin sabay halik sa noo ko..

” si lola sasabihan akong gwapo tapos wag daw akong mangbabae.. Hehe” ganito na talaga ang kulay ko lola, pag puputi siguro ako konti lang”.. ang nakatawa kung turan sa kanya..

“o sya.. Lumakad ka na at malayo pa ang lalakarin mo, mamaya eh ma li late kana sa school nyu..” ang sabi ng lola habang hinahatid nya ako papuntang pintuan ng bahay namin..

Lumakad na ako at kumaway kay lola habang nakatayo sya sa harap ng bahay namin na gawa lamang sa kawayan at pawid..

” lola balang araw yayaman di tayo” ang sabi ko sa sarili ko habang palingun lingon ako na kumakaway sa lola ko na nakatanud parin sa akin sa labas ng pintuan na gawa sa kawayan..

naglakad ako ng mabilis dahil hinahabol ko ang oras ko papuntang school, madami din akung mga naka sabayang nag lalakad na mga istudyante na sa ibat ibang antas.. Dahil bago palang ako mag first year high school ay excited ako na medyo kinakabahan..

Mga kalahating oras na akong naglalakad at marami na akong mga nakasabayan,may mga nag bibisiklita at may mga nag ta trycycle na mga istudyante, dahil sa wala kaming pera at mahirap lang kami ay hanggang tingin na lang ako sa kanila at sabay buntung hininga dahil hanggang lakad lang ang kaya ko papunta sa school

“balang araw.. Makakabili din ako ng sarili kung sasakyan”.. ang bulong ko sa sarili ko habang medyo patakbo takbo ako dahil baka mahuli ako sa unang klase namin sa school..

Nakarating naman ako ng maayus sa school pero kamuntikan na akong mahuli dahil nakita ko na pumipila na ang mga istudyate para sa flag ceremony..

Dali dali akung tumakbo sa pila at nakipila din kahit di ko pa alam kung saang section ako dahil kararating ko lang at punung puno ako ng pawis at basa ang likod ng damit ko…

“nako basa ang damit ko, di pala ako nag dala ng extrang damit dapat di pala ako nag suot muna ng uniform ko basa tuloy yung suot ko sa pawis..” ang turan ko sa loob loob ko habang nakapila ako at nag hahanda na kami sa flag ceremony..

“gusto mo ng panyo?” ang sabi ng babae na nasa likod ko..

napalingon ako sa likod ko kung saan nanggaling ang boses..

“salamat” ang turan ko habang nakangiti ako sa babae na naka ngiti at inaabot sa akin ang pink na cotton na panyo..

Maganda sya at maputi.. Matangus din ang ilong maganda ang pagkahugis ng mukha at manipis at mapupula ang labi… Sa tindig nya ay may kaya sila sa buhay.. Maganda ang mga gamit nya at mga kasuotan nya.. Simula sa sapatos nya, medyas nya at hair crown na naka suot sa kanyang buhok..

“walang anuman”.. Basang basa kasi ang damit mo kaya gamitin mo muna ang panyo ko”.. Ang turan ng babaeng nag abot sa akin ng panyo..

“oo nga eh.. Nag lakad kasi ako kaya nabasa ang damit ko di ako naka dala ng extra na damit,” ang nakangiti kung turan habang naka tingin ako sa kanya..

“di ka ba sumakay ng tricycle? Malayo yung nilakad mo halata sa pawis mo,ang sabi nya sa akin na nakatitig sa akin at mahahalata sa mukha ang awa..

” wala kasi akong pamasahi pang tricycle yung baun ko dito tama lang ang perang binigay sa akin ng lola ko, nag baon lang ako ng ulam at kanin para mamaya sa panang halian..” ang turan ko na medyo di ako natingin sa kanya dahil sa awang awa ako sa sarili ko sa mga oras na yun..

Bigla kong narinig ang flag ceremony at humarap na ako sa stage at nag bigay galang sa national anthem habang pinapatugtog…

Pagkatapos ng pagpupugay sa national anthem ay kanya kanya ng puntahan ang mga istudyante para hanapin ang kanikanilang section..

Paglingun ko ay di ko na nakita ang babae na nag offer sa akin ng panyo..medyo nalungkot ako dahil di ko lang naman nakilala ang pangalan nya….

Naglakad na lang ako at palinga linga na nag babakasakali na makita ko ang magandang babae na nag offer ng panyo.. Tiningnan ko ang pink na panyo na binigay sa akin ng babae na hawak hawak ko parin sa kamay ko..

Inamoy ko ang panyo at naamoy ko ang pabango nito..

“hmmmm” ang bango naman..”sayang naman kung gamitin ko na ipang pupunas sa likod ko ” ang sabi ko sa sarili ko habang inaamoy padin ang panyo..

“anung inaamoy mo sa panyo ko”? Mabaho ba? ” bagong laba lang yan”.. Ang sabi ulit sa likod ko,na sa pagkadinig ko ay pamilyar ang boses nito..

paglingon ko ay sya nga uli..

“ahhh hehe wala lang..ang bango ng panyo mo iba yung amoy kisa sa mga sabon na ginagamit namin sa pag lalaba eh.. Haha”.. Ang turan ko habang nakatawa at medyo napahiya dahil nakita nya pala ang pag amoy ko sa panyo nya..

“akin na ipupunas ko sa likod mo di ka pa nag punas ng likod eh matutuyo na ang pawis mo sa likod”.. Ang turan ng babae habang kinuha ang panyo at pinasok ang kamay nya sa laylayan ng polo shirt ko at dritso nya pinunas sa likod ko na medyo dahan dahan ng natutuyo..

Iniwan nya ang panyo sa likod ko at inayos ang polo shirt ko..

“salamat”..”Ako nga pala si paolo”.. Pao nalang itawag mo sa akin.. ” ang naka ngiti kung turan habang naka extend ang kanang kamay ko para sa pakikipag kamay ko sa kanya..

” welcome, “…” Donita ang pangalan ko,”at teng teng naman ang palayaw ko.” . Usal nya habang nakangiti at inabot ang kamay ko at nakipagkamay sa akin..

“pano ang panyo mo?” wala kang panyo” ang tanung ko kay tengteng..

“sayo na lang yan pao” bigay ko na sayo yan”… Ang naka ngiti nyang turan sa akin..

“salamat.” . Ang matipid kong sagot…

” welcome pao”.. “Sige hahanapin ko muna ang room number ko kung anung room ako” .. Ang pasigaw nyang sabi habang kumakaway at patakbo papunta sa mga nag uumpukang istudyante na nag hahanap ng kanyakanyang room number nila..

Nakangiti ako at kumaway din sa kanya habang tinatanaw ko syang patakbong palayo sa akin..

“maraming salamat teng”.. “ang ganda nya..”ang sabi ko sa sarili ko habang humuhugot ako ng malalim na hininga at napakaganda ng pakiramdam ko dahil sa unang araw ng pasok namin ay may magandang istudyante na akong nakilala..

Habang nag lalakad ako papunta sa room kung saan ako na assign ay palinga linga ako na nag babaka sakali na muli ko nanaman syang masilayan..

Ngunit sa dami ng istudyante ay di ko sya makita..

Sa section 1 ako napunta na room, dahil sa angkin kung katalinuhan ay 3rd honor akung naka graduate nung grade six ako.. Dahil sa advance ng pag aaral sa maynila at pag transfer ko sa probinsya ay advanced na ako kompara sa mga kaklasi ko sa probinsya pag transfer ko.. Kaya naka graduate ako na 3rd honor sa klasi namin..

Pag pasok ko sa kwarto ay nandoon na ang mga kaklase ko at nag hihintay nalang kami ng adviser namin.. Nasa likuran lang ako nakaupo at tahimik lang na nakamasid sa mga kaklase ko..

Marami ding magaganda, dahil first year kami ay ang gugulo ng mga kaklasi kong babae at lalaki.. Napakagulo at ingay ng room namin..

Habang nag mamasid ako sa mga kaklasi ko ay makikita ko sa kanila ang karangyaan sa buhay.. At nakakaramdam ako ng hiya pag ikinukumpara ko ang sarili ko sa kanila..

“bakit kaya naging mahirap kami” ang bulong ko sa sarili ko habang patuloy lang ako na nakamasid sa kanila..

At habang naka masid parin ako sa aking mga kaklasi ay sumagi nanaman sa isipan ko si tengteng..

“anung section kaya sya?” mukhang may kaya sila, malabo na mag kagusto sa akin yun, mahirap lang kami.”. ang patuloy na nag lalaro sa isipan ko sa mga oras na yun..

“inlove ata ako ahh..” haha.. “ang turan ko sa sarili ko habang nakatulala sa isang tabi..

Itutuloy…

aero.cock78
Latest posts by aero.cock78 (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories