Author: Balderic
Ikaapat na Yugto: Rebelyon at Dahas
By: Balderic
Bumalik si Sarate sa kuta nya sa kabundukan. Dito, sinalubong sya ng kanyang asawang buntis ng anim na buwan.
“Mabuti at nakabalik ka na.” niyakap nito si Sarate.
“Syempre naman Salma, kamusta kayo rito?”
“Maayos naman ang pangkat. Tahimik. Pero nabalitaan ko ang nangyari sa bahay nyo. Ang sabi rito mga sundalo raw ang umatake?”
“Hinde Salam. Mga tauhan ni Chief Agusan ang umatake.”
“Ha? Pero bakit?”
“MAKINIG KAYO! TAWAGIN NYO ANG MGA PINUNO NG MGA HANAY NYO AT PUMUNTA SILA SA KUBOL KO. MAY PAG UUSAPAN KAMI!” Utos ni Sarate at kaagad ay sumunod ang mga tauhan nya. Bakas sa mukha ni Salma ang pag-aalala pero niyakap syang muli ni Sarate bago pa ito pumunta sa kubol.
Ilang minuto pa at nagtipon-tipon na ang mga pinagkakatiwalaang tauhan ni Sarate.
“Alam kong nabalitaan na ninyo ang nangyari sa akin sa aking pamamahay. Ang mga tauhan ni Ramil Bandio ang syang nagpaputok at walang awang pinaslang ang aking ina at kapatid. Hindeng hinde ko sila mapapatawad sa kanilang ginawa at babawian natin sila!”
“Pero Commander, bakit kayo inatake ng mga parak?”
“May isang lalakeng nagngangalang Carding ang napadayo sa bayan ng Sta. Fe. Ito ang taong nagpadala sa ilang mga pulis sa ospital. Siya ang pakay nina Ramil at nagkataong nasa bahay ko si Carding bilang panauhin at nadamay lamang ang pamilya ko.”
“Ibig sabihin, dapat nating patayin ang Carding na ito, pinuno.” Wika naman ni Obet.
“Sa ngayon ay hinde sya ang problema natin. Si Bandio ang puno’t dulo ng gulo. Naniniwala akong sua lamang ang nagpalaki ng kaguluhan ngayon sa bayan ng Sta. Fe. Kaya sa kanya natin ibabagsak ang kaparusahan ng samahan.”
“Eh paano ang mga sundalo? Paano kung makatunog sila sa hangarin natin? Hinde ba mas marapat na sila ang atakihin natin lalo pa at nalagasan sila ng mga tao noong huling operasyon natin?” tanong ni Obet.
“Hinde mo ba narinig ang sinabi ko? Si Bandio ang uunahin natin at hinde tayo titigil hanggang hinde nagpapantay ang mga paa nya.”
“Pinuno, alam kong nagdadalamhati kapa sa pagkamatay ng nanay at kapatid mo, maging kami ay nagdadalamhati rin. Pero sa tingin ko, mas marapat na unahin muna natin ang mga sundalo. Mas mahina na ang pangkat nila ngayon. May mga bago tayong armas, sa kanila natin ito gagamitin.” Paliwanag ni Obet.
“Tama si Obet, Commander. At mahirap kalaban si Inspector Bandio. Bata ni mayor yun. Mahirap kalabanin ang taong nagsusupply sa atin ng kagamitan.” Wika pa ng isang pinuno ng lupon.
“Sumunod kayo sa mga utos ko. Sa susunod na linggo, aatakihin natin ang estasyon ng pulisya at gusto kong hulihin ninyo si Ramil Bandio. Maliwanag?”
“Maliwanag Commander.” Isa isang nagsilabasan ang mga tauhan ni Sarate. Naiwan si Obet at lumapit sa pinuno nya.
“Sigurado ka ba dito?” tanong nito kay Sarate. Mabigat ang dibdib ng pinuno nya, hinde man ito palakibo, ramdam nya ang dinadaanang hirap.
“Sinimulan nila ito Obet. Ako ang tatapos. Matagal ko na ring gustong tanggalin sa landas ko ang Ramil na yun. Hinde maganda ang naririnig ko sa kanya. Isa syang tiwaling opisyal na walang ginawa kundi ang abusuhin ang kapwa.”
“Kung ano man ang iutos mo Pinuno, nasa likod mo lang ako.”
“Mabuti kung ganun.”
Ilang oras ang nakalipas at kalagitnaan na ng gabi. Sa isang madilim na sulok ng kanilang kampo ay nag tipon ang malalapit na kasama ni Obet.
“Mukhang masyado nang naging bulag sa galit ang pinuno. Sa tingin ko, kapag tinuloy nya ang plano nyang ito, marami sa atin ang malalagas. Pakatatandaan nyo, malakas sina Bandio kay Mayor. Samantalang tayo ay binabayaran pa natin sya sa mga armas na nakukuha natin. Hinde ito magiging mabuti para sa ating samahan. Magiging mitsa na ito ng ating katapusan.” Paliwanag ng isang kaibigan ni Obet.
“Obet, anong gagawin natin?”
“Sa tingin ko, mas makabubuti kung itutuloy ni Sarate ang plano nya.” Sagot naman ni Obet.
“Ha? At bakit naman? Di ba sinabi ko na sa inyo na delikado ngang banggain ang pulisya.”
“Mas malaki ang chansang mawawala na sa landas ko si Sarate kung makikipaglaban sya sa mga pulis.”
“Hehehe andyan ka nanaman sa mga plano mo eh. Mag iingat ka, baka may makarinig sayo rito.”
“Kapag wala na si Sarate, wala naring makakapigil sa aking pagiging pinuno ng kilusan. Nang dahil sa Carding na iyan, mukhang mapapadali ang mga plano ko.”
“So anong iniisip mo ngayon?”
“Kailangan kong masabihan si Kapitan Bandio sa plano ni Sarate. Nang sa ganun ay makapaghanda sila at masusurpresa nila si Sarate.”
“Hehehe, ayos yang plano mo Obet. Sige, ako nang bababa mamaya, basta siguraduhin mo lang na wala sa atin ang mamalasin kapag nagkataon.”
“Akong bahala sa inyo.”
Matapos ang kanilang sekretong usapan ay naghiwa-hiwalay na ang grupo. Naglakad papunta sa kubo nya si Obet pero nadaanan nya ang bahay ni Sarate at nakita nya sa loob ng kubol ay nasa loob pa nito si Salma, nagsusulat ito sa ilalim ng liwanag ng kandila. Lumapit si Obet at tinignan ang kagandahan ni Salma. Nakasuot lang ito ng daster pero makinis parin tignan at kahit pa buntis ito ay hinde nabawasan ang alindog ng misis ni Sarate.
“Kahit pala sa liwanag ng kandila eh napakaganda mo parin Salma hehehe.”
“Tigilan mo nga ako Obet, baka marinig ka ng asawa ko, malilintikan ka talaga.”
“Naku, mantika kung matulog yun hehehe. Bakit gising ka pa? Naiinitan ka ba sa loob?”
“May sinusulat lang ako para sa mga magulang ko sa amin. Pwede ba, lubayan mo na ako at nakakaisturbo ka lang eh.”
“Hehehe palabiro ka talaga. Alam ko namang nag eenjoy kang makasama ako eh. Napapansin ko mga titig mo sa akin eh. Lalo na kung tayong dalawa lang hehehe.”
“Pwede ba Obet, tigilan mo nang pag iilusyon mo. Gamitin mo nalang yang kalokohan mo sa mga babae mo at layuan mo na ako. Isa pa, gigisingin ko na si Ricardo.”
“Hehe okay sige. Ingat ka lang, hinde sa lahat ng oras eh nariyan asawa mo hehehehe.”
———-
Sa paguutos ni Chief Agusan, kumalat ang mga kapulisan sa bayan ng Sta. Fe upang mahanap lamang ang lalakeng si Carding. May artist sketch ang mga ito at ipinaskil sa iba’t ibang lugar. Ang ilan namang mobile units ay pumasok sa mga kabahayan, mga establisyemento at mga gusali upang maghalughog at magtanong. Halo halong galit at takot ang naramdaman ng mga mamayan dahil sa mapang-abusong mga kilos ng mga pulis sa kanila. Ilan pa sa mga ito ay nasaktan na dahil sa hinde pagsunod sa anumang kagustuhan ng mga pulis.
Ang nagmando sa mga ito ay si Senior Insp Ramil Bandio na syang pinaka malupit sa lahat. May isang ginang itong sinampal dahil hinde sumagot ng naaayon sa kanyang kagustuhan. Matapang ito at walang pakealam sa privacy ng sino man. Pinatawag nila ang mga brgy Captains, mga kagawad at ilang mga public servants para maipasabing dapat isumbong nila kaagad kapag nakita nila si Carding. Sinabi ni Bandio na isang pusakal si Carding at ilan nang mga pulis ang napatay nito.
Lingid sa kaalaman ng mga ito, marami na sa mga mamamayan ang nagkikimkim lamang ng galit nila. Isa na rito ang magsasakang ama ng dalagang ginahasa ni Mayor. Lihim itong sumama sa isang pagpupulong ng mga mamamayan ng Sta. Fe. Nagkaharap ang mga ito sa likod ng Health Center na ipinasara ni Richie. Gabi ang napili nilang panahon para magpulong.
“Dapat matigil na ang kahayupang ginagawa ni Mayor sa atin. Tama na ang kanyang pang aabuso at walang awang pag patay sa iilan sa ating wala namang ginawang masama.” Wika ng isang negosyante. Tumango at sumang-ayon naman ang lahat.
“ginahasa ni Mayor ang anak ko, at pinatay na parang aso ang asawa ko dahil hinde ako nakabigay sa kanila ng pera. Matagal kong tiniis ang sakit na kanilang idinulot sa akin. Pero tama na, handa akong lumaban para matapos na ang kahayupan ni Mayor Romano.” Dagdag naman ng magsasaka.
“Kailangan nating mag alsa. Ipakita natin kay Mayor na hinde tayo natatakot sa kanya. Tayo ang nagluklok sa kanya sa pwesto at tayo rin ang dapat magtanggal sa kanya.” Sagot naman ng isa.
“Pero anong gagawin natin? Paano kung pagpapatayin rin tayo? Nabalitaan nyo naman an ginawa sa bagong pulis hinde ba? Pinapatay sya kaagad.”
“Hinde lingid sa lahat na ang mga kasamahan nya mismo sa pulisya ang nagpatumba sa kanya. Narinig ko ang usap-usapan sa labas. Grupo raw nina Pipino at Gringo ang tumira kay tinyente Remulla.” Wika naman ni Mang Domeng na sumama rin sa pagtitipon.
“Hayop talaga ang mga yun. Buti nga sa kanila at pinagbabaril sila nung Carding. Teka, bakit hinde nalang natin hanapin yung lalakeng iyon at humingi tayo ng tulong sa kanya. Bayaran natin kung kinakailangan. Ano sa tingin nyo?”
“pwede pwede!”
“Teka, may nakaka-alam ba kung nasaan sya?” napakamot ang ilan. Dito tumayo si Doc Loren na isa sa mga nagplano ng pagtitipon.
“Mahirap pagtiwalaan ang taong hinde pa natin nakikilala. Malaking panganib ang kakaharapin natin kapag malaman ni Mayor ang mga plano natin. Hinde pa tayo handa. Mag ipon pa tayo ng sapat na lakas at pwersa.” Paliwanag ni Loren.
“Hinde nyo ba nakikita? Masyado nang malalim at malaki ang sugat na idinulot ni Mayor sa amin. Palibhasa, hinde ka taga rito kaya mo lang nasasabi iyan doktora.” Sabat naman ng isa.
“Tumahimik ka! Hinde mo alam ang pinagsasabi mo! Isa si doktora sa mga handang lumaban para sa mga taga Sta. Fe! Nakita ko kung paano nya kinalaban ang tauhan ni Mayor bago pa ipinasara ang center. Wag nyong mamaliitin si doktora.” Pagtatanggol naman ni Mang Domeng.
“Sa ngayon, mas makabubuti kung magplano tayo ng rally. Iparamdam natin kay Mayor ang ating galit at pagkadismaya sa kanyang serbisyo.”
“Tama yan! Sige sasali ako dyan!” sang ayon naman ang isa. Tumango ang karamihan.
“Wag kayong pabigla-bigla ng desisyon. Pag isipan nyo muna ito.” Pakiusap pa ni Loren pero bingi ang karamihan. Sawa na sila sa ilang taong pagtitiis kay Mayor.
“Walang masama kung ipapakita namin kay mayor ang aming hinaing sa kanya.”
“Pero sa tingin ko ay makabubuting mahanap natin ang lalakeng nag ngangalang Carding.”
“Pero may nakaka alam ba kung saan sya mahahanap?”
“Magtatanong-tanong ako. Susubukan kong hanapin sya.” Wika ng isa.
“Ako rin, tutulong ako sa paghahanap.”
“Alam ko kung nasaan sya.” Wika ni Loren. Napatingin ang lahat sa kanya.
“Nasaan sya doktora?”
“Hinde ko maaaring sabihin pero pwede kong isama ang isa sa inyo. Mas maganda kung ang representative nyo.”
“Sige, ako nalang ang sasama sayo doktora.” Lumapit ang isang matanda na syang nagplano ng meeting.
———-
By: Balderic
Nang gabing iyon, sinamahan ni Loren ang matandang representative ng grupo ng mga taong bayang ayaw kay mayor. Nagulat si Carding at Madonna nang makita ang dalawa sa pinto.
“Doktora, anong ginagawa nyo rito?” Tanong ni Madonna.
“Gusto lang naming makausap si Carding.” Sagot naman nito. Napatingin si Madonna kay Carding.
Nagpakilala ang matanda at ang pangalan nito ay si Mang Andres. Ipinaliwanag nito kay Carding ang kanilang mga hinaing. Ikinuwento nito ang lahat ng kanyang nalalaman at ang mga pang aabuso ni Mayor Romano. Tahimik na nakikinig si Carding habang may hawak itong sigarilyo.
“Nakikiusap ako sayo Carding, humihingi kami ng tulong mo. Naniniwala kaming, malaki ang magagawa mo upang tumigil na ang pang aabuso ni Mayor Romano sa bayan ng Sta. Fe.” Wika ni Mang Andres. Napatingin sya sandali kay Loren at kay Madonna. Bumuga ng usok si Carding.
“Anong gusto mong gawin ko, patayin si Mayor Romano?” diretsahan nitong tanong.
“Ah eh, hinde naman sa ganun Carding. Ang sa amin lang ay sana may taong makakapag tanggol sa amin kung sakaling saktan kami ng mga tauhan ni Mayor.”
“Alam nyo bang maraming tauhan si Mayor? Kasama na dito ang kapulisan at mga rebelde. Sa tingin ko ay hinde uubrang proteksyon ang iisang tao. Ang nag iisang kasagutan sa inyong problema ay ang mamatay si Mayor.” Sagot naman ni Carding.
“Kung ganun, kaya mo bang gawin yun? Kaya mo bang patayin si Mayor?” tanong naman ni Loren na tila interesado sa solusyon ni Carding.
Tumayo si Carding mula sa inuupuan nito sa sala. Naglakad ito papunta sa may pinto at sumandal sa pader.
“Hinde. Masyadong maraming bata si Mayor.”
“Kung pera lang ang solusyon, handa kaming magbayad Carding.” Tumayo na rin si Loren. Lumapit ito kay Carding.
“Handa akong magbayad Carding. Kahit anong hilingin mo.” Hinawakan nito ang kamay ni Carding at nagkatinginan silang dalawa. Gumulong naman ang mga mata ni Madonna at umiling-iling.
“Masyadong malaki ang hinihiling mo Doktora. Baka kaposin ka ng bayad.”
“Mang Andres, tayo na. Wala tayong mapapala rito.” Dismayado si Loren. Binuksan nito ang pinto at lumabas si Mang Andres. Tinignan muli ni Loren si Carding.
“Buong akala ko, isa ka sa mga taong kayang ipagtanggol ang naaapi at ipakita ang tunay na hustisya. Yun pala, isa kalang ring duwag na nagtatago sa bahay ng isang babae.” Tinignan nito si Madonna sandali at lumabas na ng bahay. Sinara ni Madonna ang pinto. Napa buntong hininga si Carding.
“Akala ko ba walang makaka alam na naririto ako?”
“Hinde ko inexpect na paparito si Doktora. Pasensya ka na Carding. Pero wag kang mag alala, sa isang linggo, aalis na tayo rito. Naka handa na ako ng pera at gamit.”
———-
Bigong umalis sina Loren at Mang Andres. Dahil dito, napagkasunduan na lamang ng grupo nilang simulan ang pag aalsa laban kay Mayor Romano. Tatlong araw na paghahanda ang ginawa ng grupo at sa ika apat na araw ng umaga ay nagsimulang mag marcha ang mga ito papunta sa munisipyo.
“ALISIN SI MAYOR!” “KAMI AY SAWA NA!” “WAG MATAKOT!” “ALISIN SI MAYOR!” Paulit-ulit na sigaw ng halos tatlong daang mga tao ng Sta. Fe. May mga hawak silang mga placards at tarpaulin na may mga nakasulat na sawa na sila sa pagmamalabis ni Mayor sa kanyang kapangyarihan.
“Mayor Mayor! May mga nagrarally papunta rito!” sigaw ng isang tauhan na pumasok sa opisina ni Mayor.
“Harangin nyo! Tawagan nyo si Agusan, wag nyong palalapitin sa munisipyo ang mga yan!” utos naman kaagad ni Romano.
Ilang metro ang layo mula sa town plaza, humarang kaagad ang mga sasakyan ng mga pulis. Naglagay ang mga ito ng barricades at pinigila ang mga nagrarally. Huminto ang grupo ni Mang Andres. Natatanaw na nila ang municipal building. Patuloy ang pagsisigaw nila. Humarap sa kanila si Bandio na may hawak na megaphone.
“Magsiuwian na kayo! Wala kayong mapapala sa pinag gagawa nyo!” wika nito.
“Wag mong pagtakpan ang amo mo Bandio! Ilabas nyo si Mayor! Sya ang kailangan namin! Ilabas mo sya!” sagot naman ni Mang Andres.
“Mas mabuti pang umuwi na kayo at magtrabaho nang walang masasaktan sa inyo!”
“Hinde kami natatakot sa inyo! Sobra na ang pang aabuso nyo sa amin! Ilang taon kaming nagtiis pero walang pagbabago sa bayang ito!”
“Ginahasa ni Mayor ang anak ko at pinapatay ang asawa ko! Mga wala kayong puso! Mga demonyo kayo!” sigaw naman ng matandang magsasaka.
Patuloy ang sigaw ng mga tao. Walang paghinto ang mga ito. Dahil hinde makalapit, sa mismong lugar nalang nila ginawa ang programa nila. Maraming mga tao rin ang nanood sa kanila. Bawat speaker ay sinabi ang mga hinaing nila at problema ng bayan na hinde malutas-lutas.
Alas dos na ng hapon at hinde na makatiis si Mayor Romano kaya lumabas ito ng gusali upang harapin ang mga ralliyista. Nagsigawan kaagad ang mga tao nang makita si Mayor.
“Mamamatay tao!” “Magnanakaw!” ilan sa mga sigaw na bumati kay Mayor. Nilapitan nito si Bandio.
“Anong nangyayari dito? Akala ko ba na contain mo na ang sitwasyon Bandio? Bakit nandito parin ang mga yan?”
“Masyadong matigas Mayor. Tsaka wala naman silang plano na lumapit pa sa munisipyo.”
“Kahit na. I want these people out of my sight! May golf pa ako mamayang alas quatro. Nakakahiya sa mga kumpadre ko kung ma le late ako dahil lang sa mga patay gutom na yan.”
“Walang hiya ka talaga Mayor! Wala kang puso! Isa kang buwaya!” sigaw ng isa.
“Ang lakas ng loob nyo ha! Masyado nyong binabastos ang dad ko! Show some respect!” sigaw naman ni Nico, ang panganay ni Mayor.
“Walang rerespeto sa tatay mong saksakan ng sama! Isa syang demonyo! Ginahasa nya ang anak ko! Kriminal!” sigaw naman ng matandang magsasaka.
“Binabalaan ko kayo! Hinde ko na uulitin ito. Umuwi na kayo at walang masasaktan sa inyo!” pananakot pa ni Mayor Romano.
“Hinde kami natatakot sayo Mayor! Hinde na kami takot!”
“ah ganun ha. Bandio ihanda mo ang mga tao mo.”
“Men, lock and load!” utos ni Bandio sa mga kapulisan. Sumunod rin ang mga tauhan ni Richie. Nangamba na kaagad ang mga taong bayan.
“Walang aatras! Walang aalis!” sigaw pa ni Mang Andres upang hinde masira ang kanilang pananalig.
“Bibilang lang ako ng sampo! Isa! Dalawa! Tatlo!…..” sigaw pa ni Bandio.
Mula sa likuran ng mga nagrarally, tumakbo si Loren. Palapit kay Mang Andres pero hinde ito makalapit sa dami ng tao.
“TUMAKBO NA KAYO! UMALIS NA KAYO!” Sigaw ni Loren pero matapang na humarap ang mga tao.
“PITO! WALO! SIYAM! MEN FIRE AT WILL!”
“BRATATATATATATATATATATATATATATATAT!!!!!!!???” Nakakabinging serye ng putok ng mga rifle ang umalingawngaw. Tinadtad ng bala ng mga pulis ang mga nagrarally at nagsipulasan ang ilang maswerteng hinde natamaan sa harapan. Agad na napatay si Mang Andres kasama na rin ang matandang magsasaka. Sigawan at iyakan ang kahalong ingay ng mga putok ng mga baril. Kaliwa’t kanan ang takbuhan ng mga tao na animo’y mga insektong hinawi ng kamay.
“Harangin nyo! Walang ititirang buhay!” sigaw ni Mayor Romano. Sinalubong pa ng ilang mga tauhan nya mga tumatakbo at pinagbabaril lahat. Tinadtad ng bala ng mga ito.
“Mamaaaaaaa!!! Mamaaaaaa!!!” sigaw ng isang pitong taong gulang na bata nang makitang nakahandusay ang ina nitong wala nang buhay. Walang ano ano pa at tinamaan sa ulo ang bata at kasamang napaslang.
Marami pang iba ang nagtangkang tumakas pero pinagpapalo ito ng mga pulis sa katawan hanggang matumba at sinaksak saka pinagbabaril na akala mo ay isang mabangis na hayop. Napa upo na lamang si Loren at napa iyak habang nasasaksihan ang isang madugong pangyayari sa Sta. Fe. Nakita ito ng isang pulis.
“Hoy ikaw!” tinutukan ito ng baril ng pulis pero bigla itong binato ni Mang Domeng at kaagad hinila si Loren.
“Doktora! Tumakas na tayo! Tara naaaa!!” pilit nitong hinila si Loren at nakatakas ang dalawa. Mabilis silang humalo sa kabahayan at sumiksik sa kung saan upang hinde ito mahabol.
Kalahating oras na pinagpapatay at oinagbabaril ng mga tao ni Mayor ang mga nagrarally at walang ni isa ang natira sa kanila. Nang mawala ang usok at alikabok, makikita ang tambak ng mga taong nakahandusay sa kalsada.
“Hakutin nyo ang mga yan at ilibing nyo nang sabay sabay. Wala dapat makaka alam nito.” Utos ni Mayor.
“Ganito ang mangyayari sa sino mang nagtangkang kumalaban sa daddy ko! Kaya umayos kayo nang walang masasayang na buhay nyo! Hawak namin ang lahat ng buhay nyo kaya wag na wag kayong susuway sa utos ng daddy ko!” sigaw naman ni Nico gamit ang isang megaphone ng pulis. Tahimik at walang magawa ang ilang mga saksi.
———-
“Mga hayop sila! Mga walang awa! Mga demonyo! Paano nilang nagawa ito sa mga tao? Paano!?” naiiyak na wika ni Mang Domeng habang nakayuko ito at hawak ang ulo nya. Naka upo ito sofa. Lumapit ang asawa nyang si Aleng Mameng.
“Oh ito uminom ka muna ng salabat. Doktora ano bang nangyari? Bakit ang daming putok ang narinig ko kanina?” wika pa ni Aleng Mameng.
“Sukdulan na talaga ang kasamaan ni Mayor Romano. Inutusan nya ang mga pulis at mga tauhan nyang paputukan ang mga nagrarally. Pinatay silang parang hayop. Kami lang ang swerteng nakatakas.” Sabat ni Mang Domeng. Napatakip ng bibig si Aleng Mameng sa pagkagulat.
“Diyos ko, ano bang nangyayari sa bayang ito? Anong gagawin natin?”
“Mas mabuti pang magtago na muna kayo Mang Domeng. Posibleng nakilala kayo ng mga pulis. Mahirap na.” wika naman ni Loren.
Isang sasakyan ang biglang huminto sa harapan ng kanilang bahay. Sakay nito si Nico kasama ang ilang tauhan ng ama nya at sasakyan ng pulis. Itinutok nito ang mga dalang sandata sa pamamahay ni Mang Domeng.
“RATATATATATATATATATATATA!!!!!” Rinatrat ng grupo ang bahay ni Mang Domeng. Hinde nagkaroo ng pagkakataong maka react ang mag asawa sa loob at pareho silang tinamaan ng napakaraming bala. Maging si Loren ay tinamaan rin ng bala sa katawan. Sabay sabay na natumba ang tatlo. Dilat ang mata ni Aleng Mameng nang bumulagta itong walang buhay.
“Mameeeenng!!!” sigaw ni Mang Domeng na duguan. Naghihingalo rin ito. Napaiyak itong makita ang sinapit ng asawa nya. Hinde sya makagalaw. Tadtad ng bala ang katawan nya. Tinignan nya si Loren na hawak ang balikat at nakatihaya rin.
“Do..ktora….ipaglaban mo…kami….alang alang na rin…sa yumao mong…pamilya….hagilapin mo..ang hustis…….ahhh….” nalagutan na ito ng hininga.
Basag basag ang kagamitan sa loob ng bahay nang tumigil ang pagpapaputok ng grupo.
“Sige sunugin nyo!” utos ni Nico. Nagbuhos ng gasolina sa paligid ang mga tauhan ni Mayor at hinagis sa loob ang gallon na plastic. Sinilaban nila kaagad ang bahay at mabilis kumalat ang apoy.
“Ganyan nga! Hahahahahaha! Tara!” tuwang tuwa si Nico sa nakikita at sumakay na ito ng sasakyan saka sila umalis.
Habang nasusunog ang bahay, pilit na gumalaw si Loren. Napadapa ito at dahan dahang gumapang. Dahan dahan itong lumapit sa pinto sa likod. Sobrang init na sa loob ng bahay at nagbabagsakan na ang mga parte ng bahay lalo na ang mga kahoy sa kisame. Nag crack ang ilang pundasyon ng bahay at gumuho ito nang tuluyan. Sakto namang nakalabas na ng bahay si Loren at pinilit nitong tumayo. Tumakas ito kaagad.
———-
Sa pamamahay naman ni Joselyn, hinde ito mapalagay nang mabalitaan ang massacre sa town plaza. Sinilip nito sa bintana ang kalsada at sinuri ng maigi kung may mga kahina-hinalang tao pero wala itong napansin. Sa loob naman ng silid nya ay naroon lamang si Carding at may hawak na bote ng alak. Panay ang yosi nito at nakahiga lang sa kama. Natigil ang pag iisip ni Joselyn nang may kumatok sa pinto ng bahay nya sa likod. Pinuntahan nya ito kaagad at sumilip sa bintana. Nakita nyang nakatayo si Loren. Pinagbuksan nya kaagad ito.
“Doktora?”
” Si Carding….unnh..”
“DOKTORAAA!” Sinalo ni Joselyn ang katawan ni Loren nang mawalan ito ng malay.
Anim na oras ang nakalipas at unti unting binuka ni Loren ang mga mata nya. Nakahiga ito sa kama ni Joselyn at may benda na sa balikat at hita. Bago na rin ang damit nya. Nakita nyang naka upo lang sa gilid ng kama si Joselyn. Napansin rin nya ang nakakabit na swero sa kaliwang kamay nya.
“Hinde ko alam na marunong ka palang mag first aid Madonna. Maraming salamat sayo.”
Gising ka na pala. Naku hinde ako ang nag ayos nyan. Si Carding. Sya lahat ang may gawa nyan.”
Napatingin si Loren sa damit nya.
“Ay naku, hihi ako nagbihis sayo syempre. Wag ka mag alala di nya nakita ang yaman mo hihi.”
“Asan si Carding?”
“Nandito ako. Sinabi sakin ni Joselyn na hinahanap mo raw ako bago ka nawalan ng malay.” Nasa may bintana si Carding at pinatay ang yosi nito sa ashtray.
“Joselyn?”
“Ako yun Doktora. Joselyn ang tunay kong pangalan.”
“Ganun ba.”
“Anong nangyari at nasugatan ka ng bala?” tanong ni Carding.
“Si Mayor…sya ang may pakana nito. Matapos nyang pagpapatayin ang mga nagrarally sa plaza, inatake nya ang bahay ni Aleng Mameng, ang assistant ko sa health center. Wala syang awa. Isa syang demonyo. Carding, ang mga kasama kong nakiusap sayo ay patay na. Inubos na ni Mayor ang mga kawawang sibilyan. Ang tanging hinaing lamang nila ay hustisya. Pero walang awa si Mayor. Katulad ng pamilya ko, pinatay nya rin ang mga ito nang walang awa.”
“Pamilya mo? Eh Dok diba taga manila ka?” pagtataka ni Joselyn.
“Dito ako ipinanganak pero sa manila ako lumaki. Hindeng hinde ko makakalimutan kung paano pinatay ni Mayor ang pamilya ko noon.” Napapikit si Loren. Naalalang muli ang mapait na karanasan.
18 years ago
Si Brgy Captain Dencio Del Castillo ay kinamamanghaan ng lahat. Isa itong responsableng opisyal ng Sta. Fe at mabuting ama. At dahil sa pagiging tapat nya ay hinde naiwasang mabangga nito ang interes ni Mayor Romano.
Gustong pagtakpan ni Mayor Romano ang ilang kompanyang kumukuha ng mga ilegal na kahoy. Hinde pinayagan ni Dencio ang pagimbak ng mga ito sa nasasakupan nya. Maging ang pagpasok ng mga dayong syang pumuputol ng mga kakahoyan sa kabundukan ng Sta. Fe. Nakipagusap si Mayor Romano na pagbigyan sya ni Dencio subalit plano ng kapitan na dalhin ang impormasyon sa probinsya.
Dahilan kung bakit nagdesisyon si Mayor Romano na atakihin at pasukin ang pamamahay ni Dencio. Sapilitang inilabas si Dencio sa pamamahay nya at walang nagawa ang asawa nito at mga anak. Itinago kaagad ni Carlotta del Castillo ang dalawang anak na babae sa mga silid nila habang ang sanggol naman nilang natutulog ay ipinahawak sa nakatatandang anak na babae na si Marieta, 15 years old ito at kinarga ang bunso.
“Hawakan mong maigi ang kapatid mo Marieta. Wag kayong maingay ha. Mahal kayo ni nanay. Mahal kayo ni nanay. “ Hinde maiwasan ni Carlotta’ng maiyak.
“BLAAAMM!!” Isang putok ng baril sa labas ng bahay.
“HALOGHUGIN NYO ANG BAHAY AT ILABAS NYO ANG PAMILYA NYA! “ Sigaw ni Mayor Romano sa labas. Kaagad sinara ni Carlotta ang aparador sa kwarto at lumabas ito.
“Inay… ” naiiyak rin si Marieta habang karga ang bunso. Biglang binuksan ng kapatid pa nyang babae ang pinto ng aparador.
“Magda anong ginagawa mo? Bumalik ka rito. “ bulong ni Marieta pero di kumibo ang natatakot ring si Magda, 7 years old. Umakyat ito sa bintana ng bahay at lumabas. Nagtago ito sa isang drum na walang tubig. Umiiyak ito at nanginginig sa takot.
“BITAWAN NYO AKO! BITAWAN NYO AKOOOO! “ sigaw ni Carlotta nang hulihin ito ng mga tauhan ni Mayor Romano. Inilabas sya ng bahay at nakita nyang nakadapa ang asawa nyang si Dencio. Duguan ang balikat nito at inaapakan sya sa ulo ni Romano.
“De.. Dencio!? Mayor maawa na kayo… wala kaming ginagawang masamaaaa!!! “
“Carlottaaaa!! “ sigaw ni Dencio.
“Pasensya ka na Carlotta. Humihingi ako ng tawad sayo dahil hinde ko naibigay sayo ang buhay na hinahangad mo. Kung ako lang ang pinili mo noon ay hinde mo ito mararanasan subalit napakatigas ng puso mo at pinili mo pa ang isang magsasakang mangmang na katulad ni Dencio. “ wika pa ni Mayor Romano.
“Hayop kaaa!! Wala kang kasing sama! Dapat lang na hinde ikaw ang pinili ko dahil isa kang demonyo! “
“Okay… pasensya na rin sa mangyayari sayo. “ inutusan nito ang mga tauhan nyang hubaran si Carlotta. Wala itong nagawa nang punitin ang kanyang kasootan.
“Walang hiyaaaa!!! Demonyo kaaaaa!!! “ sigaw ni Dencio. Pero nilakasan lang ni Mayor Romano ang pag apak ng ulo nya.
“Sige pagsawaan nyo yan hahaha! “
“Huwaaaaaaagggg!!! Aaahhhh!!! Dencioooo!!! Dencioooo!!! “ panay sigaw ni Carlotta nang simulan itong gahasain ng kalalakihan. Naghubad ng pantalo ang mga ito at ipinatihaya sa lupa si Carlotta.
“Aaaarrgghh!!! Mga demonyoooo!!! Mga demonyoooooo!!!!!! “ sigaw ni Dencio. Kitang kita nito kung paano pilahan ng mga tauhan ni Mayor Romano ang misis nya. Rinig nito ang tawanan at kanchawan ng mga lalake. Kita nito ang ngiti ng mga mala demonyong mga tauhan ni Mayor at ang daing at iyak ni Carlotta na tila hinde naririnig ng mga kalalakihan. Nag tangkang manlaban si Carlotta. Kinagat nito ang leeg ng isang nakapatong sa kanya at dumugo ito. Bumunot ito ng baril.
“BLAM BLAM!!! “ Wasak ang ulo ni Carlotta at nilubayan na ito ng mga lalake.
“Carlottaaaaaaa!!!!! Uhhh diyos koooo… .” naoahagulgul na lamang si Dencio.
“Mayor meron pa kaming nahuli! Hahaha! “ wika ng isa at hawak ang anak ni Dencio na si Marieta. Hawak hawak nito ang sanggol na panay ang iyak.
“Ayos yan hahaha dalhin mo rito! “ wika ni Mayor.
“Itaaay!!” sigaw ni Marieta.
“Wag! Wag ang anak ko! Romano! Layuan mo ang anak ko! Hayop kaaaaa! “
“Hinde ko nagawang tikman si Carlotta dahil sayo Dencio. Pero at least matitikman ko ang maganda nyang bunga hahahahaha! “ wika pa ni Mayor Romano habang nakatitig kay Dencio.
“Uhaa!! Uhaa!! Uhaaa!! “ panay iyak naman ng 5 months old na bunso. Bigla itong hinablot ni Mayor Romano.
“Romano… wag… maawa ka… maawa kaaaa… Diyos ko MAAWA KAAAAAAAA!! “
“BLAG!!! “ Binalibag ni Mayor Romano ang sanggol at tumama ang ulo nito sa isang malaking tipak ng bato. Napapikit si Dencio.
“AAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!! “ Isang napakalakas na sigaw ang narinig sa gabing iyon.
Nakabibinging sigaw rin ni Marieta ang sumunod. Walang awang hinalay ni Mayor Romano ang dalagita sa harapan mismo ni Dencio. Bingi ito sa mga iyak ng bata habang nilalapastangan nya ito. Sa tinde ng sinapit ng dalaga ay dinugo ito ng todo. Bawat segundo ay tila taon. Napakabagal ng lahat. Namumula na ang mga mata ni Dencio hinde dahil sa hinagpis kundi dahil sa tinde ng poot at pagkasuklam. Nagwala ito na parang asong ulol. Kinagat ang mga tauhan na humahawak sa kanya. Nakawala ito at sinugod si Mayor subalit binaril lang ito sa kanyang mga hita. Muling natumba ang padre de pamilya. Bigo. Duguan.
“I.. taaayy… ” mumunting tinig ni Marieta at hinang hina ito.
“Ngayon alam mo na kung bakit masama akong magalit Dencio. “ wika ni Mayor.
“BLAM BLAM BLAM BLAM BLAM!!!! “ Tinapos na nito ang paghihirap ni Dencio. Inutusan nitong sunugin ang bahay ng kawawang pamilya at iniwang duguan si Marieta. Alam nitong di na rin tatagal ang buhay ng dalagita pero para makasiguro ay sinaksak nito ng tatlong beses ang sikmura ng dalagita bago iwan.
Mabilis kumalat ang apoy sa bahay at tinupok ito. Tahimik na sa paligid. At sa katahimikan ay lumabas si Magda. Ang tanging saksi ng lahat. Dahan dahan itong naglakad palapit sa kanyang pamilyang walang awang pinaslang. Nakita nito ang ina, hubad at duguan. Ang ama na tirik ang mga mata at nakahandusay. Ang bunso nilang hinde na gumagalaw. At si Marieta. Buhay pa rin ito. Lumuhod si Magda at ipinatong ang ulo ni Marieta sa mga hita nito.
“Wa.. wag… mo kaming.. kakalimutan… Magda… .”
“O.. opo.. ate… “ ito ang huling lakas ni Marieta bago ito inagawan ng buhay. Niyakap ni Magda ang ate ng mahigpit.
Sa tulong ng mag asawang Aleng Mameng at Mang Domeng na malapit kay Dencio, naitakas si Magda at itinago ng kanyang kamag anak sa maynila. Pinalaki na parang sariling anak at pinag aral. Nagpalit ito ng pangalan. Loren Mercado. Upang hinde na ito makilala pa ng sino mang nasa Sta. Fe.
Ibinuklat ni Loren ang kanyang mga mata at tinignan si Carding at Joselyn.
“Nangako akong ipaghihiganti ko ang aking pamilya. Pagbabayarin ni Mayor Romano ang lahat ng ginawa nyang kasamaan. “ wika ni Loren.
“Hinde ako makapaniwalang ikaw pala ang natitirang anak ni Mang Dencio. Ang itinatagong malagim na estorya dito sa Sta. Fe. Diyos ko. Grabe na talaga ang kahayupan ni Mayor.” Wika ni Joselyn.
“Nakikiusap ako sayo Carding. Tulungan mo akong makamit ang hustisya. Alam kong wala kang papel dito sa Sta. Fe pero ikaw na lamang ang tanging pag asa ko. “
“Carding… sa tingin ko nga.. oras na rin para matulungan natin ang mga mamamayan ng Sta. Fe. Nakikita mo naman ang kanilang paghihirap hinde ba. Alam kong hinde matigas ang puso mo. Kaya tulungan mo si Doktora, Carding. “ hinawakan ni Joselyn ang balikat ni Carding. Tumalikod ang lalake at humarap palabas ng pinto at tumigil saka nagsindi ng yosi.
“Joselyn, ihanda mo ang gamit ko. “
Napangiti si Joselyn at kaagad kumilos. Isang digmaan ang dadalhin ni Carding sa lupang sinasakupan ni Mayor Romano. Isang mandirigma ang syang yayanig sa pundasyon ng kadiliman sa Sta. Fe. Abangan ang nalalapit na katapusan.
Itutuloy
- Agnas 3 (Episode 12) - December 1, 2020
- Agnas 3 (Episode 11) + Teaser - November 16, 2020
- Agnas 3 (Episode 10) - November 3, 2020