Written by blckraven
Nanlilisik ang mga mata ni Mang Hulyo habang nakatitig sa akin. Namumula rin ito.
Hindi lang pala siya reypist, adik pa pala.
Napalunok ako nang makitang palapit na nang palapit ang patalim sa balat ni tita Sonia.
“Michaela, pabayaan mo na ako rito.”
Hindi ako makapagsalita. Hindi rin makagalaw. Kung maaari lang sanang sumigaw ako at humingi ng tulong ay gagawin ko na, kaso hawak niya si tita Sonia.
“Bitawan mo si tita Sonia,” utos ko.
“Inuutusan mo ako?” Mas nanlaki pa ang mga mata niya.
Diniinan pa niya lalo ang pagkapit kay tita Sonia dahilan upang mapadaing ito sa sakit.
“Simple lang naman ang gusto ko, Michaela.”
Ayaw kong marinig. Kung pwede lang ay tatapyasin ko na lamang ang aking mga tainga upang hindi ko na marinig ang nakakagimbal niyang boses.
“Wag kang aalis. Magpapakantot ka sa akin araw-araw.”
Nawala na sa katinuan si Mang Hulyo at biglang sumugod sa akin. Ibinagsak niya sa sahig si tita Sonia at dagliang naglakad patungo sa akin.
Napaatras ako ng isang hakbang hanggang sa masabunot niya ako.
“Aray!”
“PARAUSAN KITA! AKIN KA, NAIINTINDIHAN MO?!”
May araw ka rin, sambit ko. Kapag nakakita ako ng pagkakataon ay agad kong itatarak ang kutsilyo sa yo.
Mas bumilis pa ang paghinga ko. Wala na ring lumalabas na luha sa mga mata ko. Hindi ako pwede mawalan ng pag-asa, dahil ayokong magtapos ang lahat sa ganito.
Ibinuksa na niya ang kanyang patalim at kinalas ang kanyang belt. Natawa ako. Ang bangungot na pinagdaanan ko kagabi ay mangyayari ulit ngayon.
Nabaling ang atensyon ko kay tita Sonia. Hindi ito makatitig sa amin at patuloy pa rin sa pag-iyak.
Bumalik ang atensyon ko kay Mang Hulyo nang masampal ako ng kanyang alaga.
“Magtrabaho ka na.”
Alas-dos ng hapon nang umalis sa bahay si Mang Hulyo. Punong-puno ako ng kanyang katas sa mukha pati na rin sa lagusan.
Pagkatapos ng ginawa niya sa akin ay agad akong tumungo sa banyo upang sumuka. Nakakasuka siya. Sobra.
Nilinis kong muli ang aking katawan. Araw-araw. Araw-araw na lang ba akong ganto?
Halos isa’t kalahating oras akong nagtagal sa banyo. Pagkatapos noon ay nagbihis ako upang magpahangin sa labas.
Ito ang unang beses na lumabas ako ng bahay mag-isa. Dumaan ako sa kakahuyan upang wala nang makasalubong na tao.
Malapit nang lumubog ang araw. Nagtagal pa ang aking paglalakad hanggang sa makarating ako sa ilalim ng isang matayog na puno. Nasa tuktok na pala ako ng isang burol.
Maganda ang tanawin mula sa itaas. Ngayon ko lang nakita na may batis pala ‘di kalayuan sa bahay.
Umupo ako sa damuhan at sinalubong ang malamig na hangin. Kay sarap sa pakiramdam.
Doon ay nagsimula na namang bumuhos ang luha ko.
Ayoko nang bumalik sa bahay. Gusto ko nang tumakas. Pero paano ang mga maiiwan ko doon?
Ma-impluwensyang tao si Mang Hulyo. Isang pitik lamang ng kamay niya ay pwede nang mapatay sila tito.
Si dad, hindi ko maiwasang sisihin siya sa nangyayari sa akin.
Siya ang dahilan kung bakit ako nandito. Siya ang dahilan kung bakit dinadanas ko ang impyerno sa buhay ko.
Kahit na alam kong ako ang puno’t dulo ng lahat ng ito.
Ganoon naman talaga, ‘di ba? Minsan, ‘pag hindi na natin kaya ang mga nangyayari sa buhay natin, isisisi na lang natin iyon sa iba.
Ang hindi ko alam ay kung bakit tila walang tigil ang pagbuhos ng aking mga luha.
“Miss, okey ka lang ba?”
Natigilan ako sa narinig at biglang napatayo. Hinanap ko ang pinanggagalingan ng boses ngunit hindi ko siya makita.
Nababaliw na ba ako?
“Nasa taas.”
Napatingin ako sa itaas. Nakaupo ito sa sanga ng puno. Bumwelo ito at biglang tumalon upang maging katapat ko.
Nang makita ko siya nang malapitan ay nagulat ako. Hindi siya mukhang taga-probinsya. Maputi siya, maganda, at tila ilang taon lamang ang tanda sa akin. Madungis lamang siya ngunit hindi nito natatakpan ang kanyang kagandahan.
“May problema ka ba?” tanong niya.
Iniabot niya ang kanyang panyo sa akin. Marahan ko itong inabot at nagpasalamat.
“Wala ito, haha,” palusot ko.
Kahit na batid niyang nagsisinungaling ako ay hindi niya na ako pinilit pa. Pinunasan ko ang aking mga luha.
“Salamat,” wika ko.
Ngiti lamang ang isinukli niya.
“Ibabalik ko na lang itong panyo sa ‘yo—” Natigilan ako sa pagsasalita dahil hindi ko pa alam ang kanyang pangalan.
Natawa siya. “Pia. Pia ang pangalan ko.”
“Ibabalik ko na lang sa ‘yo ito bukas, Pia.”
Hindi pa pala ako nakakapagpakilala.
“Ako pala si Micha—” Natigilan akong muli.
Tila ba nabubuhol ang aking dila sa pagbanggit ng aking pangalan. Michaela. Kapag naiisip o naririnig ko iyon ay pawang boses lamang ni Mang Hulyo ang pumapasok sa isip ko.
Huminga ako nang malalim upang linisin ang aking isipan.
“Ella. Ako si Ella.”
Nagkwentuhan kami magdamag ni Pia. So far, ito ang aking mga nasagap:
- 27 taong gulang, kasing tanda ni tito Leo.
-
May kinakasama, ngunit hindi ito komportable sa usaping ito.
-
Nanggaling din sa maynila, lumipat siya sa probinsyang ito kasama ang kanyang pamilya.
-
Malapit lang ang bahay sa amin.
“Gabi na pala, hindi ko namalayan ang oras,” wika ni Ate Pia.
Sabay kaming tumayo ay pinagpang ang aming mga damit. Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa magkaiba naming bahay.
Habang naglalakad ay may pumasok na tanong sa isip ko.
“Ate Pia, kung kasama mo ngayon ang kinakasama mo. Nasaan nakatira ang mga magulang mo?”
Natigilan siya sa tanong ko. Hindi siya lumingon sa akin at nagpatuloy na lamang ulit sa paglakad.
“Wala na sila,” matipid niyang sagot. “Bilisan na natin maglakad.”
Ilang minuto pa ay nakabalik na nga kami sa mga kabahayan. Ngunit ang mga sumunod na pangyayari ay nagdulot sa akin ng kakaibang pakiramdam.
Nagsimula kaming pagtinginan ng mga tao, ngunit mas nagf-focus sila kay Ate Pia. Ano’ng meron?
Tila ba normal lamang kay Ate Pia ang mga nangyayari dahil diretso lamang ang kanyang tingin.
Maya-maya pa ay naramdaman ko na lamang na hinila ako bigla ni tita Sonia sa gilid. Aalma sana ako ngunit patuloy pa rin sa paglakad si Ate Pia.
“Michaela! Bakit mo kasama ang babaeng iyon?!”
“Bakit tita? May problema po ba?” naguguluhan kong tanong.
Tinignan niya ang bawat sulok ng aking katawan at tila bang may kinumpirma.
“Mabuti naman at hindi ka sinaktan ng baliw na ‘yon.”
Teka.
Baliw si Ate Pia?!
Thank you!
- Dollhouse (3) - August 25, 2023
- Dollhouse (2) - August 23, 2023
- Dollhouse - August 21, 2023