Written by blckraven
Wala na akong oras para matulog dahil pagkatapos ng malagim na sinapit ko kay Mang Hulyo ay dumiretso ako agad sa banyo.
Galit. Damang-dama ko ang nakakapasong luha na nanggagaling sa mata ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng damdamin.
Agad akong naligo. Kinuskos ko ang aking balat na parang wala nang bukas. Iyak ako nang iyak.
Ang dumi ko, ang dumi-dumi ko.
Sa sobrang lakas ng aking paghilod ay nagkaroon ng sugat sa king kanang hita. Hindi ko maramdaman ang hapdi noon. Tila ba nasasapawan ng akin hinanakit ang pisikal na nararamdaman ko.
Patuloy na tumatakbo sa isip ko kung ano na ang mangyayari sa susunod. Mauulit pa ba ang bangungot na ito? Mapapatawad ko pa ba siya sa ginawa niya?
Alam ko sa sarili ko na gusto ko ang mundo ng seks. Ngunit, hindi kailanman sumagi sa isip ko ang makipagtalik sa kahit sinong lalaki.
Sabon dito, sabon doon. Pilit kong inaalis sa aking katawan at memorya ang mala-impyernong nangyari sa akin. Narito ako ngayon sa banyo habang umiiyak, ngunit walang sino man ang nakakaalam noon bukod kay tita Sonia.
Alam kong natatakot siyang may masamang mangyari sa aming lahat, ngunit bakit ambilis naman niyang sumuko? Ni hindi niya man lang ako binigyan ng kaunting oras para i-absorb ang lahat.
Itinigil ko panandalian ang aking paghihilod at napagdesisyunang linisin naman ang aking hiyas. Ibinuka ko ang mga pisngi nito at dahan-dahang umagos palabas ang mga katas ni Mang Hulyo.
Mahapdi pa rin ang aking lagusan dulot ng walang tigil na pagbarurot niya sa akin.
Nang maramdaman ko nang wala nang umaagos ay hinugasan ko rin ito. Mabuti na lamang at umiinom na ako ng birth control pills, dahil kung hindi ay magbubunga ang ginawa niyang kababuyan sa akin.
Gusto kong magtagal dito sa banyo hanggang sa sumikat ang araw. Kailangang mawala rin ang mga markang iniwan sa akin ng matanda.
Huminga ako nang malalim.
Paggising na paggising ni tito, sasabihan ko siya agad na umalis na kami sa lugar na ito.
Maga-alas sais na ng umaga nong ako’y lumabas ng banyo. Laking pasasalamat ko nang makitang wala na si Mang Hulyo sa aming kama.
Agad kong tinanggal ang kobrekama at pinalitan ito ng panibago. Nagbihis na rin ako kinalaunan.
Bumaba ako ng kwarto nang tahimik. Gusto kong tignan kung ano ang nangyayari sa baba.
Mukhang gising na sila tito at tiyo dahil naririnig ko na ang kanilang mga boses mula sa hagdanan.
Pababa na sana ako nang marinig ko ang boses ng lalaking gumalaw sa akin kanina. Mukhang nagkakantyawan sila.
Umatras ako. Babalik na sana ako sa itaas ngunit nakita ko si tita na palabas ng kusina. Natigilan siya nang makita ako.
“O, Sonia. Bilisan mo na’t itimpla mo na ang kape namin,” utos ni tiyo Bernard.
“Sino ba ang nandiyan?” tanong niya.
“S-Si Michaela,” nautal na sagot ni tita.
Wala na akong nagawa kundi magpakita sa kanila. Halatang bagong gising ang aking dalawang tito.
“Magandang umaga, pamangkin,” bati sa akin ni tiyo.
Ngumiti na lamang ako nang pilit.
“Kumusta ang umaga mo, ineng?”
Na-estatwa ako nang marinig muli ang boses na iyon. Sobrang nanikip ang aking dibdib. Gusto kong tumakbo palabas ng bahay ngunit hindi ko kaya. Dumako ang tingin ko kay tito Leo na siyang nakatitig din sa akin.
Hindi na ako nakasagot.
“Aakyat na po ako,” putol ko sa usapan.
Hindi, hindi ko kayang sabihin ang mga nangyari.
Nagmadali akong umakyat sa kwarto at isinara ang pinto. Hindi ko na napigilan ang aking pagtangis dahil sa bigat ng nararamdaman.
Kung sana’y matapang lang ako.
Alas dyes ng umaga.
Bumaba na ako upang mag-agahan. Wala nang ibang tao sa bahay bukod sa amin ni tita Sonia.
Naabutan ko siyang naghihimay ng gulay sa sala. Nang makita niya ako ay ibinaba niya ulit ang kanyang tingin.
Dumiretso na ako sa hapag at nagsimulang kumain.
Ilang saglit pa ay biglang lumapit tungo sa akin si tita.
Hinawakan niya ang aking kamay, ngunit inilayo ko ito agad.
“Pasensya na, Michaela.”
“Alam kong impyerno ang naranasan mo kanina, pero isipin mo na lang na ginawa ko iyon upang maligtas ang pamilya.”
Maligtas ang pamilya? Sarili niya lang ang iniintindi niya!
“Malaking tao si Hulyo, alam mo sa sarili mo na hindi natin siya kaya kahit magtulungan tayong dalawa,” katwiran pa niya.
Saglitang umagos ang luha sa aking kanang mata. Nawalan na ako ng gana kumain.
“Sa pulis, nakapagsumbong ka na po ba sa kanila?” tanong ko.
“Kakilala niya ang hepe sa lugar natin, babaliktarin lang tayo ni Hulyo,” tugon nito.
Pabagsak akong tumayo. Hindi ko na kayang kimkimin ang nararamdaman ko.
“TITA NAMAN, GINAHASA AKO! BAKIT BA PARANG WALA KANG PAKIALAM SA AKIN?!”
Pilit niya akong pinakalma. Doon na rin nagbagsakan ang mga luha niya.
“Pasensya na. Pasensya na talaga. Kung pwede lang ako ang pumalit sa pwesto mo ay gina—”
“EDI DAPAT PO SANA GINISING NINYO SILA TIYO! PWEDE PA SANA MAAGAPAN IYON, TITA! BAKIT PARANG LUMALABAS NA GINUSTO MO ANG NANGYARI SA AKIN?!”
Huminga ako nang malalim at pinahid ang lahat ng luha na dumadaloy sa aking pisngi.
“Pag-uwi po ni tito mamaya, babalik na kami ng Maynila.”
Natigilan si tita Sonia. Hindi niya inakala na lalabas iyon sa aking bibig.
“Pero Michaela—”
Tumalikod na ako sa kanya at akmang babalik na sa kwarto nang magsalita itong muli.
“Papatayin kaming mag-asawa ni Hulyo pag nalaman niyang wala ka na rito.”
Tumigil ako sa paghakbang saglit at lumingon sa kanya. Matapos ang ilang saglit ay umakyat na ako agad sa kwarto.
Hayop ka, Hulyo. Hayop ka.
Agad kong niligpit ang aking mga damit at isinilid iyon sa bag. Isinama ko na rin sa pagliligpit ang mga damit ni tito. Aalis kami rito. Aalis kami sa impyernong ito.
Natapos ako agad sa pagliligpit matapos ang ilang minuto. Agad kong ibinitbit ang mga bag at dagliang bumaba tungo sa sala. Nang nailapag ko na ang mga bag ay kumatok ako sa kwarto nila tita Sonia upang kausapin ito.
“Tita? Iligpit niyo na po yung mga damit niyo at sasama kayo sa amin—”
Natigilan ako sa pagsasalita nang biglang bumukas ang pinto. Bumungad sa akin si tita na yakap-yakap ni Mang Hulyo habang nakatutok sa leeg nito ang kutsilyo.
Maluha-luha si tita Sonia habang nagpupumiglas sa kamay ni Mang Hulyo.
“Saan ka pupunta, Michaela?” tanong niya habang nanlilisik ang mga mata.
“Michaela, takbo!”
- Dollhouse (3) - August 25, 2023
- Dollhouse (2) - August 23, 2023
- Dollhouse - August 21, 2023