4forever – Prologue: Part 1

4forever

Written by Torque.K.B.

 

“Ano ka ba? Wala ka namang ginagawang masama! Hihihi…”Matagal nag graduate si Jonathan dahil sa pinansyal at sa personal nyang mga problema sa Senior High. Na delay siya ng isang taon. Nawalan siya ng gana sa buhay at naging tambay lamang ng dalawang taon. Hindi rin siya nag enroll at wala talagang pangarap na sa buhay.

Dahil sa batong-bato na talaga sa buhay. Napag-isip ni Jonathan na hahanap ng trabaho. Hindi naman problema hahanap ng trabaho dahil nakatapos siya ng senior high. Hindi naman siguro kumpara sa mga nakatapos ng kolehiyo na maganda at mataas ang sahod. Subalit makakahanap siya ng trabaho na matustusan ang mga pangangailangan nya.

“Wala ka bang experience sa ganito?”
“Salamat, tatawagan ka namin at salamat sa pag apply mo sa aming kumpanya!”
“Pasensya na, hindi ka kwalipikado sa ganitong posisyon…”

Halos lahat ng kumpanya at posisyong nais niyang pasukan ay hindi siya tinanggap. Higit dalawa namang taon siyang naghahanap ng trabaho. Dahil doon mas nawala ang kumpyansa ni Jonathan sa sarili. Naging mainitin ang ulo at malungkot at binata. Simula noon ay natuto siyang mag bisyo; inom at sigarilyo.

“Ang malas talaga!” Galit na sigaw ni Jonathan sa may tabing dagat isang gabi.

Walang masyadong tao sa panahong iyon at pinili ni Jonathan na manatili sa lugar kung saan walang nakakita sa kanya. Dito ay kanyang nilabas ang pagkakainis nya sa sarili. Nang naibsan ang galit at inis ni Jonathan ay nagpasya siyang umuwi sa kanila at bibili sana ng yosi sa tindahan.

Pagkatapos nya bumili ay sinindihan nya ang isang yosi na binili nya at nagpatuloy lumakad patungo sa kanyang bahay. Habang nagyoyosi ay mayroon siyang nakitang mga kababaihan na papunta sa dagat. Sinubukan nyang hindi lumingon subalit mayroon siyang nakitang isang dilag na nakakakuha ng atensyon nya.

Nagtagpo ang kanilang mga tingin ng ilang segundo ang ang babae ay lumingon palayo. Nang napasnin ito ni Jonathan ay lumigon din siya at lumihis sa dinadaanan ng mga dilag.

“Kilala mo yun?” Tanong ng isang babae sa nakatinginan ni Jonathan.

Tahimik lamang ang babae at nagpatuloy kasama ng kanyang mga kaibigan. Hindi maalis sa isip ni Jonathan ang babae na kanyang nakita noon gabing iyon. Para din nabuhay ang kanyang sarili sa nakita nya, isang magandang dilag.

Hindi makalimutan ni Jonathan ang mukha ng babaeng kanyang nakita sa gabing iyon. Pilit nya mang kalimutan ay di nya magawa. Kahit anong gawin nya ay parang mababaliw siya sa kaiisip.

“Ano bang nasa isip mo Jonathan, babae lang yun. Walang paki yun sayo!”
“Wag na wag kang ma fall in love, baka magkasakit ka bahala ka!”
“O diyos ko, na inlove na nga ako!!!”

Gulong gulo ang isip ni Jonathan at wala siyang magawa kungdi hanapin ang babae na gusto niya. Kahit saang sulok ng subdibisyon nila niyang hinanap subalit di nya makita. Sa social media ay sinubukan din nya subalit wala rin. Sa tagal ng kakahanap nya ay huminto muna siya sa tabing dagat na malapit sa subdibisyon upang magpahinga.

“Sino kaya yun… bakit na inlove ako sa kanya?”, tanong ng binata sa sarili habang humanap ng bato para itapon sa dagat.

Habang naghanap siya ay bigla siyang napahinto. Mabangong perfume ang nagpapatigil sa kanya at tantya nya ay malapit lang sa kanyang kinatatayuan. Pag lingon nya galing sa pagkayuko ay di nya napansin na malapit pala siya sa isang dalagang nakatayo malapit lang.

Napaatras ang binata at napalingon naman ang dalaga sa kanya pagkarinig ng tsinelas nya.

“P-pasensya na po, di ko namalayan!”, paumahin na sabi ni Jonathan sa dalaga.

Humalikhik naman ang dalaga sa ekspresyon ng binata na natumba sa buhangin. Inabot naman ng dalaga ang kanyang kanang kamay upang tulungan ang binata.

“Naku, nakakahiya ito…”, sabi ni Jonathan sa sarili at inabot ang kamay ng dalaga na ginawa niyang guide upang makatayo siya.

Nilinis ng binata ang kanyang t-shirt gamit ang kamay at humingi ng tawad uli sa dalaga.

“Ano ka ba? Wala ka namang ginawang masama.”, sagot ng dalaga na natutuwa sa kanya.

Nagsitawanan ang dalaw sa isa’t isa pagkatapos tumayo ni Jonathan at nagpakilala siya sa kanyang sarili sa dalaga.

“Ah, Jonathan pala pangalan mo? Ako pala si Jenny!”, sagot ng dalaga sa kanya.

“Jenny, heheh… magandang pangalan!”, sabi ni Jonathan sa dalagang namumula ang mukha.

Biglang naging awkward ang sitwasyon sa dalawa ng nakita ni Jenny ang mukha ni Jonathan nang napansin ni Jonathan ang sitwasyon ay umatras siya.

“Ah, pasensya na may nakalimutan pala ako heheh… Jenny, salamat! Gusto ko sanang magtagal subalit may tugon pa ang nanay ko. Aalis muna ako, bye!”

Sabi ng nahihiyang binata at umalis patungo sa kanyang bahay. Masayang-masaya ang binata sa nangyari sa kanya ng oras na iyon. Hindi mawala sa kanyang isip ang mukha, ngiti at boses ng dilag na kanyang nakilala.

Naging matalik na magkaibigan ang dalawa sa loob ng tatlong buwan. Nahulog ang loob ng binata sa dalaga at sa matagalan nilang pagsasama ay lumakas lalo ang nararamdaman niya sa kanya. Hindi alam ng binata ang kanyang gagawin. Nalilito at kung ipaglaban nya ang kanyang nararamdaman.

Hanggang sa isang araw ay may napanood siya na isang drama sa T.V., love story lalake ang bida. Isang movie na isa at kalahating oras ang haba.”Forever” ang pamagat. Nagsimula ang estorya sa isang bullied na estudyante sa school. Pinagtatawanan siya at sinaktan ng mga bully sa eskwalahan. Miserable ang kanyang buhay hanggang mayroon siyang nakilala na kaibigang babae.

To make the long story short, nag ka inlaban ang dalawa at nag ensayo ang lalaki upang maging malakas at hindi mabully. Nag iba ang anyo at ayos ng lalake at nag-iba ang tingin ng mga tao sa kanya. Di na siya na bully at naging kasintahan nya ang kanyang kaibigang babae.

Hindi man nagkatuluyan ang dalawa sa huli subalit nagkita ang dalawa noong matanda na sila. Biglang naalala ang dalawa ang nakaraan at nagpalipas oras sa baywalk sa dagat ng kanilang bayan. Doon nagtatapos ang estorya ng palabas na kanyang pinanood.

Pagkatapos nyang manood ay pinatay ni Jonathan ang T.V. at pumunta sa kanyang higaan. Napag-isipan nya yung nangyari sa napanood niyang pelikula.

“Medyo tama naman yung ginawa ng guy sa pelikula… Susubukan ko nga? Sana ay ok lang sa kanya kung ano ang aking sasabihin sa kanya, sana ok lang kay Jenny.”

A/N: Buildup muna tayo sa ngayon guys. Prologue part pa naman eto, wag kayong mag alala darating at darating din ang aksyon at kantutan sa susunod na kabanata. Salamat po sa pagbasa.

Torque.K.B.
Latest posts by Torque.K.B. (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories